^

True Confessions

Ahas sa garden (254)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KAHIT nang nakahiga na ay si Jambo pa rin ang iniisip ni Brenda. Nakokonsensiya siya dahil parang naging mapaghinala siya rito gayung natulungan siya habang nasa casino. Pinahiram siya ng pera na wala nang gara-garantiya pa. Kahit ang alahas niya ay hindi tinanggap at saka na raw sila mag-usap. Pagkatapos ay naging mapagsus­petsa siya rito.

Napahinga siya nang malalim. Ang hindi lamang niya nagustuhan kay Jambo ay nang sabihin nito kanina na hindi raw pera ang gusto nitong ibayad sa kanya. Ano kaya ang gusto ng Jambo na ‘yun? Katawan? Napangiti nang lihim si Brenda. Guwapo naman si Jambo at muk­­hang lalaking-lalaki.

Kinuha ni Brenda ang isang unan at inilagay sa pagitan ng kanyang mga hita. Maya-maya ay nakatulog na siya.

Nang magising kinabukasan, balak uli niyang mag-casino. Pero magdadala na siya nang maraming pera.

Samantala, sa condo ni Sir Nath ng mga sanda­ling iyon, hirap na hirap siyang makakilos. Nakapag­lakad siya hanggang sa may pintuan. Binuksan niya ang pinto. Hirap na hirap siya bago magawa iyon. Nakita niya ang isang delivery boy na nasa may ele­vator. Tinawag niya para hu­mingi ng tulong.

“Tulungan mo ako!”

Takang-taka ang delivery boy sa sinabi ni Sir. Nath.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with