^

True Confessions

Ahas sa garden (251)

Ronnie M. Halos - Agence France-Presse

NANALO si Brenda. Da­lawang sunod pa. Tuwang-tuwa siya!

Hinanap agad ang lalaking nagpautang sa kanya ng P500 thou at binayaran.

“Sabi ko sa’yo mana­nalo ako at babayaran kita,” sabi niya sa lalaki.

“Pag kinailangan mo ang tulong ko sa mga susunod, narito lang ako.’’
“Sure. Pero hindi na ka­ilangan. Hindi na ako masu-short,’’ sabi ni Brenda sabay iwan sa lalaki.

Napangiti lang ang lalaki habang tinitingnan ang palayong si Brenda.

 

SUMUNOD na araw, nasa casino na naman si Brenda. Pero sa pagka­ka­taong ito, marami siyang baon na pera. Dinala rin niya ang mga mamahaling­ alahas. Nagkaroon na siya ng leksiyon nang nag­da­ang gabi na kailangan pa siyang pahiramin ng lala­king lumapit sa kanya. Hindi na niya kailangan ang tulong ng lalaki. Pangmagdama­gan ang baon niya.

Pero kahit pala napakarami ng baong pera kung nakatakda naman ang sunud-sunod na pagkatalo, balewala rin. Nasimot ang baon niya dakong mada­ling araw. Parang hinipan ng hangin na lumipad ang milyones niya.

Gusto niyang bumawi pero wala na siyang pera. Noon muling lumapit ang lalaking nagpautang sa kanya kahapon.

“Kailangan mo uli ng pera, Miss?’’

“Oo! Babawi ako!’’

Binigyan ng lalaki si Brenda.

Isinugal muli ang pera pero natalong muli. Tumigil na si Brenda.

“Paano mo ako ba­ba­yaran?” tanong ng lalaki.

“Walang problema. Ba­bayaran kita sa condo. Naroon ang pera ko.’’

“Tena sa condo mo.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with