^

True Confessions

Ahas sa garden (230)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGPATULOY sa pagku­kumustahan ang magkaibigang sina Ester at Manang.

“Mabuti naman at ma­ayos ang buhay mo Ma­nang. Nakarekober ka na sa trauma na dulot ng ka-live-in ni Sir Nath. Sino nga ang walanghiyang babaing yun?’’

“Brenda.’’

“Brendameyds yata   ‘yun ano? Nasaan na kaya ang walanghiya?’’

“Baka sila pa rin ni Sir Nath.’’

“Hindi pa kaya iniiwan  si Sir Nath? Sa tipo ng babaing yun, e palagay ko, gold digger…’’

“Iisa tayo ng hinala, Ester. Pati nga mga anak ni Sir Nath e yan din ang kutob nila. Kaya nga tutol na tutol na sila nang malamang iniuwi na ni Sir Nath si Brenda sa mansion.’’

“Sa palagay mo may komunikasyon pa ang mga anak sa kanilang ama, Manang?’’

“Hindi ko alam, Ester. Wala nga kasi akong number nila. Nawala ang number     ko nang basagin ni Brenda ang cell phone ko nun.’’

“Brendameyds talaga ano?’’

“Ipinagpapasadiyos ko  na lamang ang naranasan  sa babaing ‘yun, Ester.’’

“Teka nga pala, si Alexis, anong balita sa kanya? Nagkakausap ba kayo?’’

“Dinalaw niya ako minsan. Kinuha niya ang number ko at sabi’y tatawagan ako pero hanggang ngayon, wala pa akong natatanggap na tawag.’’

“Ano ang pinagkakakitaan niya?’’

“Nagtatanim siya ng gulay.’’

“Aba baka asensado na ‘yun.’’

“Sana nga, Ester.’’

“Sana tawagan ka para malaman din niya ang nangyari sa mansion.’’

“Oo nga. Siguro tatawagan ako ni Alexis.’’

Natapos ang pag-uusap ng dalawa.

SAMANTALA, palawak nang palawak ang farm ni Alexis. Parami pa nang parami ang sinusuplayan niya ng gulay at mga prutas. Halos lahat ng mga lupa na katabi ng kanyang farm ay nabili na niya.

Hindi makapaniwala si Alexis sa pag-unlad ng kanyang buhay.

(Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with