Ahas sa Garden (227)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - August 17, 2019 - 12:00am

HINDI na nasisiyahan si Brenda kay Sir Nath. Hindi na kayang ibigay ang pa­ngangailangan ng kata­wan niya. Uhaw na siya. Ka­ila­ngan na niya itong iwan. Bukod sa hindi na siya naseserbisyuhan sa kanyang pangangailangan, na­sasaid na rin ang pera ng matanda. At tiyak na masasaid na ang pera nito dahil laging talo sa casino. Milyon kung magpatalo!

Kung hindi ito titigil sa pagka-casino, tiyak na ma­­­uubusan na ang balon. At maski ang balon ay na­tu­tuyuan din kapag hindi naging maayos ang pagsalok ng tubig. Maraming­ natatapon. Ganito ang mang­yayari kay Nath. Ka­pag nagpatuloy sa pagsusugal, magiging pulubi ito.

Sa pagkaalam ni Brenda, lahat ng share of stocks nito ay binenta na. Wala nang pumapasok na pera at pawang palabas pa dahil sa malakihang pagsusugal. Milyon ang nata­talo gabi-gabi. Ang tanging inaasahan na lamang ay ang kita sa isang maliit na pagawaan ng mga trophy at kalendaryo at ang napagbentahan sa mansion. Pero kahit ang negosyong natitira ay palugi na rin dahil hindi na nama-manage dahil sa pagkagumon sa casino.

Mabuti na lang at naka­bili sila ng dalawang condo unit. Kung hindi, wala silang titirahan.

At mabuti rin, naisip ni Brenda, na “nakapag-save” siya ng pera. Milyones ang pera niyang nakatago. Wa­lang kamalay-malay ang ma­tanda na ninanakaw niya ang perang wini-withdraw. Lihim na napahalakhak si Brenda. Kung hindi ganun ang ginawa niya, baka pu­lubi rin ang kahantungan niya.

Kapag natutulog si Sir Nath o nasa banyo, lihim na iniinspeksiyon ni Brenda ang milyones niya na nasa maleta.

Bungkus-bungkos na pera ang nasa maleta. Pa­­wang malulutong na P1,000 bills. Tuwang-tuwa si Brenda habang pinagma­masdan ang mga bung­kos ng pera.

Hindi pa magkasya, hi­nahalikan niya ang mga bungkos ng pera. Napaka­bango ng pera!

Magbubuhay milyonarya­ siya! Hindi na siya maghihirap sa ganito karaming pera. Lahat nang magustuhan, bibilhin niya.

Pero kailangang makita niya si Alexis. Si Alexis ang gusto niyang makasama.

Pinlano na niya kung kailan lalayasan si Sir Nath.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with