Ahas sa Garden(223)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - August 13, 2019 - 12:00am

TUMAGAL ng ilang minuto ang putukan. Takot na takot si Ester habang nakakapit sa braso ni Mau. Naka­silip sila sa maliit na awang ng bintana sa salas para makita ang nang­yayaring putukan sa mansion na dating pag-aari ni Sir Nath.

‘‘Yumuko ka Ester at baka may ligaw na bala!’’

“Diyos ko! Giyera na yata!’’

“Palagay ko lumaban ang mga nasa loob! Sigurado may mga patay diyan!’’

“Diyos ko nakakatakot pala kapag nagpuputukan.’’

“Sabi ko na nga ba at mga drug trafficker ang nakabili ng mansion na ‘yan. Mabuti na lang at habang maaga e nadiskubre ng PDEA. Sino kaya ang nag-tip? Sayang kung sigurado lang ako na drugs ang nasa mansion na ‘yan ako na lang nagsuplong para milyonaryo tayo.’’

“E kung gantihan tayo ng mga sindikato? Diyos ko baka mamatay ako sa takot.’’

“Hindi naman malalaman kung sino ang nag-tip.’’

“Kahit na. Mabuti na ang tahimik na buhay. Kahit wala akong pera, okey lang kaysa naman sa magugulo dahil nagsuplong tayo.’’

Maya-maya, tumigil na ang putukan. Biglang tumahimik ang paligid na parang nagpapakiramdaman.

Hanggang sa buksan ang gate.

Nakita nila na isa-isang inilabas ang mga bangkay.

“Sabi ko na at may mga patay! Mga drug traffickers ‘yan.’’

‘‘’Yung Intsik, napatay kaya?’’

“Siguro. Ang daming napatay o!’’

“Talaga palang ginawang bodega ng droga ang mansion ano Mau?’’

“Oo. Tiyak na shabu ang laman ng magnetic lifter na nakita mo sa loob ng bakuran.’’

“Nasalaula na ang man­sion na ‘yan. Lahat ay nang­yari dahil sa kabit ni Sir Nath.’’

‘‘Siguro magugulat si Sir Nath kapag nalaman na ang mansion niya ay ginawa lang bodega ng shabu.’’

‘‘Oo nga. Sayang na sayang ang mansion ano?’’

Maya-maya narinig nila ang wangwang ng ambulansiya at police cars. May mga SOCO na nag-iimbestiga. Halos napuno ng mga pulis ang lugar. (Itutuloy)

AHAS SA GARDEN(223)
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with