^

True Confessions

Ahas sa Garden(189)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“NAKAKAHIYA kay Nath. Nakakahiya rin sa kaibigan ko na nagpasok sa iyo bilang gardener sa bahay ni Nath. Kung bakit kasi pumatol ka sa kinakasama ni Nath. Hindi mo na ba naalala ang sinabi ko na huwag papasok sa bagay na alam mong masama. Kung ikaw ay duda, huwag mong gagawin,” sabi ng tatay ni Alexis na halatang nanghihinayang at nawalan ng trabaho at maaaring hinahanap pa ni Nath dahil sa ginawang pakikiapid sa kinakasama.

“Huwag mo na akong sisihin Tatay at nagsisisi na ako. Nalinlang po ako ng babaing ‘yun at napaniwala na may masamang balak sa akin si Sir Nath. ‘Yun pala, gawa-gawa lang niya.’’

Napahinga nang mala­lim ang matanda.

“Siya sige, lahat naman tayo ay nagkakamali. Ano ang balak mo ngayon?’’

“Dito po muna ako at tutulong sa’yo ni Nanay.’’

“Sige. Ginawa kong vege­table garden ang likod ng ating bahay. Namumulaklak na ang mga talong, sitaw, kalabasa at okra. Tuwing tiyangge sa bayan ay binibenta ko. Siguro naman ay mabubuhay na tayo roon. Mayroon pa rin naman kaming naitabi ng Nanay mo mula sa separation ko sa pagiging gardener kaya hindi tayo magugutom. Nakapagpatayo na rin ako ng katamtamang bahay. May pension din ako sa SSS. Mabuti ngang narito ka at nang may makatulong ako. Medyo mahina na akong magdukal at magtabas ng damo.’’

“Ako na ang gagawa ng mga trabaho mo Tatay. Magpahinga ka na lang.’’

“Ako na lang magtitinda sa bayan ng mga gulay at prutas. Marami na rin akong suki.’’

“Sige po. Lakihan pa natin ang taniman ng gulay, Tatay.’’

“Sige ikaw ang bahala. Alam ko naman na malakas ka at mahusay ka ring magtanim.’’

Kinabukasan, si Alexis na ang gumawa sa gulayan. Marami ngang gulay na tanim ang kanyang tatay. Sanay na sanay kasi ito sa pagtatanim. Binatilyo pa lang daw ito ay marunong nang magtanim. Naging gar­dener sa isang mayamang pamilya sa Bel-Air sa loob ng 20 taon kaya nakakuha ng separation pay at nahulugan pa ang SSS.

Naisip ni Alexis, dito na nga lang siya sa probinsiya. Safe pa rito. Walang tukso. Pero pangako niya sa sarili, hindi na mauulit ang pagpatol sa babaing katulad ni Brenda na muntik pa siyang patayin. (Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN(189)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with