^

True Confessions

Ahas sa Garden (174)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

LINGID kay Sir Nath, masama ang binabalak sa kanya ni Brenda dahil sa pambababae nito. Gaganti si Brenda! Itutuloy niya ang unang balak. Palalamigin lamang nito ang sitwasyon.

Isa pa sa kanyang bi­nabalak ay ang paghanap sa walanghiyang si Manang. Marami itong na­lalaman sa relasyon nila ni Alexis. Delikadong malaman ni Nath ang nangyari sa kanila ni Alexis. Sisimulan niyang hanapin si Manang at saka niya ito patatahimikin. Hindi naman siya naniniwala kay Nath na hahanapin nito si Manang at Alexis para iganti. Sa palagay niya, sinabi lamang iyon ni Nath para makalma ang kanyang kalooban. Sinabi nito na hahanapin si Alexis at pag­babayarin sa ginawang tangkang panggagahasa nito sa kanya. Subalit hanggang ngayon, wala pang ginagawa si Nath.

Ang buong akala naman ni Nath, walang alam si Brenda sa kanyang ginagawang pambababae. Kaya magpapatuloy pa rin siya sa pakikipagrelasyon sa iba’t ibang babae. Hindi na siya kuntento kay Brenda kaya kailangang may ibang kandungan. Nakakasawa na si Brenda.

Pero para hindi maghinala si Brenda, isasama niya isang beses sa kunwari’y conference na dadaluhan niya.

‘‘Babe, mag-empake ka ng mga damit mo at aalis tayo bukas. May conference ako sa Davao. Habang nasa conference ako, sa hotel ka mamalagi or mag-shopping ka. Okey sa’yo?’’

Hindi makasagot si Brenda. Na­gulat siya. Hindi niya inaasahan. Muk­hang nagbago na si Nath.

“Sige, mag-eempake na ako.’’

Napangiti nang lihim si Nath. Hindi na siya mahahalata ni Brenda.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with