^

True Confessions

Ahas sa Garden (166)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“SUNDAN natin ang bakas ng dugo at tiyak na makikita natin ang ahas na si Alexis!” sabi ni Sir Nath.

Pero hindi nila nasundan ang bakas ng dugo sapagkat biglang nawala. Parang pinunasan na ito para hindi masundan.

“Sigurado ka bang napuruhan mo siya, Babe?’’

“Oo. Sa dibdib ang tama niya. Mayroon din siyang sugat sa braso. Nang iwan ko, naghihi­ngalo na!’’

‘‘Pero ba’t biglang nawala? Baka akala mo lang ay napuruhan siya at nagpatay-patayan.’’

‘‘Hindi! Sa galit ay talagang sinigurado ko ang saksak sa rapist na yun!’’

“Sabagay, kung nakalabas man siya rito, maaaring maubusan din siya ng dugo at ma­matay.’’

“Ang hula ko, tinulungan siya ni Manang na makalabas dito. Mag­kasabwat nga sila, Babe. Isa pang ahas ang ma­tandang yun. At tumawag pa pala sa’yo at isinusumbong na may relasyon kami ng ahas na si Alexis! Napakawalanghiya! Parehong ahas ang mga nakuha mong katulong sa bahay na ito!’’ At bumunghalit ng iyak si Brenda. Na­yugyog ang mga balikat nito dahil sa pag-iyak.

Naawa si Sir Nath.

Pinayapa niya ito.

‘‘Huwag ka nang umi­yak, Babe. Sige ipagpatuloy pa natin ang paghahanap at baka nagtatago lang sa mga kuwarto rito sa basement.’’

Hinalughog pa nila ang mga kuwarto na ginagawang tambakan ng mga lumang gamit.

Pero wala roon.

Pati ang kuwarto na malapit sa kitchen na ginagawang tuluyan ng mga bisita ay tiningnan nila.

Pero wala silang nakita. Maski bakas ng dugo ay wala silang napansin doon.

Hanggang sa may naalala si Sir Nath.

‘‘Sa swimming pool! Baka nasa paligid ng swimming pool ang ahas na si Alexis.’’

“Oo nga! Baka nga naroon siya Babe!”

Halika, puntahan natin, dali!’’

Dali-dali silang lu­mabas ng bahay at ti­nungo ang swimming pool.  (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with