Ahas sa Garden (77).
KINONTRA ni Alexis ang anumang naiisip na masama laban kay Mam Brenda. Hindi siya dapat mag-isip nang masama sa babae gaya nang laging sinasabi ni Manang. Galit lang si Manang kaya maraming masama na sinasabi kay Mam Brenda. Mabait lang talaga si Mam Brenda at katuna-yan ay pinuntahan pa siya rito sa kuwarto para alamin kung masakit pa ang paa na kunwari’y napilay dahil natapilok. At yung pagtuon nito sa “umbok” sa harapan niya ay hindi sinasadya ni Mam Brenda.
Sana ay hindi siya sumunod sa utos ni Manang na huwag pumunta sa kuwarto ni Mam Brenda. Baka may iuutos lang talaga ito sa kanya kaya siya pinapupunta. Kaya sa sunod na utusan siya ni Mam Brenda para pumunta sa kuwarto ay susundin na niya. Hindi siya makikinig kay Manang. Baka sa pagsunod niya sa utos nito ay mapahamak siya. Baka magsumbong si Mam Brenda kay Sir Nath na hindi siya sumusunod sa utos at tanggalin na siya rito.
Kinabukasan, siya na ang naglinis ng swimming pool. Sa-sabihin niya kay Mam Brenda na magaling na siya. Hindi na pilay.
Maya-maya, dumating na si Brenda. Naka-two piece ito at handa nang mag-swimming.
(Itutuloy)
- Latest