^

True Confessions

Ahas sa Garden (54)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAKITA ni Manang na tinawag ni Brenda si Alexis. Bakit kaya? 

Nagkandahaba ang leeg ni Manang para ma­kitang mabuti kung ano ang iuutos ni Brenda kay Alexis.

Nakita ni Manang na kinausap ni Brenda si Alexis. Mayroon itong  ipi­nakukuha sa loob ng mansion. Ano kaya yun?

Nakita ni Manang na mabilis na kumilos si Alexis para kunin ang iniuutos ni Brenda.

Maya-maya wala pa yatang isang minuto ay nakabalik agad si Alexis. Nakita ni Manang may dala itong lotion. Iniabot kay Brenda na noon ay nakabuyangang ang katawan.

Kinausap ni Brenda si Alexis.

Hanggang sa makita ni Manang na tumaob si Brenda. Hawak ni Alexis ang bote ng lotion.

Magpapapahid ng lotion sa likod si Brenda!

Gigil na gigil si Manang. Malandi talaga si Brenda!

Sinimulang pahiran ng lotion ni Alexis sa likod si Brenda. Walang kakilus-kilos si Brenda na tila sarap na sarap sa ginagawa ni Alexis.

Napakalandi talaga ni Brenda. Super landi!

Nasaan kaya si Sir Nath? Sana abutan ang da­lawa!

Hindi mapa­kali si Manang sa kinatatayu­an. Natatakot si­yang may mangyari sa da­lawa.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with