Ahas sa Garden(46)
“HUWAG kang tatanggi Alexis na gusto mo rin na mayroong swimming pool dito para libre kang nakakaboso!” sabi ni Manang.
“Hindi ah!’’
“Anong hindi? Nakita kita kahapon!’’
Namutla si Alexis. Nakita kaya siya habang binobosohan sina Sir Nath at Brenda.
“Huwag kang tatanggi! Kitang-kita ko ang ginagawa mo!’’
“Anong ginagawa ko?’’
“Binobosohan mo sina Sir Nath!’’
Tameme si Alexis. Paano kaya siya nakita ni Manang gayung napakalago ng orchids na pinagkukublihan niya. Hindi kaya hinuhuli lang siya ni Manang?
“Hindi ka makasagot ano? Kitang-kita ko ang ginagawa mo kahapon. Pagnainis ako, isusumbong kita kay Sir Nath.’’
Hindi nagsalita si Alexis. Mahirap nang makipagtalo kay Manang. Baka nga totoo na nakita siya kahapon.
“Sige, magtrabaho ka na!’’
Sabi ni Manang at umalis.
Eksakto alas otso, nakita ni Alexis si Brenda. Naka-bathrobe. Nagtungo sa gilid ng pool at hinubad ang robe. Naka-two piece na naman!
Nasaan kaya si Sir Nath? Ba’t wala?
(Itutuloy)
- Latest