^

True Confessions

Sadiq (97)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI naman inaasahan ni Sadiq na may maganda palang plano ang tatlong anak sa bubuksan nilang negosyo. Sa totoo lang, wala sa hinagap nina Sadiq at Gina na makaka­tulong nila ang mga anak.

Nagulat ang mag-asawa ng tanghaling dumating ang mga anak mula sa school.

Nagtanong ang panganay na si Cath, “Dad, sino po ang magtitinda sa ating food stall at sino rin ang magluluto ng fries?’’

“E di ako. Madali lang naman yun. Napag-aralan ko na nga sa mga seminar na nadaluhan ko. Ako na rin ang cashier. Madali lang, yakang-yaka!’’

“Dad, naisip namin nina Jess at Myrr na kami ang magtitinda paglabas­ ng namin ng school. Ha­limbawa ako, paglabas ko ng ganitong oras, deretso na ako sa stall natin. Paglabas naman ni Jess, siya naman at ganundin si Myrr. Tutulong po kami, Dad. Kaya na namin yan.’’

Hindi nakapagsalita si Sadiq at Gina sa sinabi ni Kath. Hindi nila akalain na mayroon palang balak ang mga anak. Nakikita pala ng mga ito ang kalagayan nila na kailangang magtulung-tulong para madagdagan ang kita lalo pa’t nagpapagamot ang ina.

‘‘Baka naman maapek­tuhan ang studies n’yo?’’

“Hindi po, Dad,” sagot ni Jess. “Sa gabi naman po ang pag-aaral namin ng lesson.’’

‘‘Oo nga Daddy, sa gabi kami mag-aaral para hindi bumaba ang aming grades.’’

“Salamat sa inyo mga anak. Ang suwerte talaga namin ng mommy n’yo. Mababait, matatalino at matulungin pa.’’

‘‘Oo nga napakasu­werte namin ng daddy n’yo. Palagay ko nga, yaya­man na tayo dahil sa Sadiq Fries­sarap. Kayo ang magpapalakas dito.’’

Niyakap ni Gina at Sadiq ang tatlong anak.

Masayang-masaya ang mag-asawa.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with