^

True Confessions

Sadiq (25)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HUMAHANGA si JayR kay Sadiq. Mabuting­ asawa at ama. La­ging­ ang bukambibig ay ang kapakanan ng mga mahal sa buhay sa Pinas. At mabuti ring kaibigan si Sadiq. Lagi siyang pinapayuhan. Hindi ito nagsasawa sa pagsa­sabing iwasan ang mga bis­yo habang narito sa Saudi. Walang mapapala kapag sumama sa mga mahilig uminom at magsugal. Katulad nang nangyari sa mga kasamahan nilang nahuli ng mga motawa habang umiinom ng sadiki. Napauwi na ang mga kasamahan nila.

Ang hindi lang ma­intindihan ni JayR ay ang paggising ni Sadiq sa madaling araw at nahuhuli niyang nakasulyap sa kanya. Para bang mayroong iniisip si Sadiq.

Maraming beses na niyang nahuhuli si Sadiq sa ganoong sitwasyon. Pero binaba­lewala niya. Wala na­mang masama sa ga­nun. Pareho naman silang lalaki. At saka talagang mabait sa kanya si Sadiq. Paano naman siya maghihi­nala kay Sadiq. Napa­iling-iling na lang siya.

ISANG hapon na mag-isa siyang umuwi dahil mayroong pinun­tahan si Sadiq, naka­salubong niya sa may salas si Pakito.

Nakangisi ito.

“JayR, kumusta?’’ tanong nito.

“Ayos lang Pakito.’’

Napangisi uli si Pakito.

“Kumusta ba ang mag-couple?’’

Napamaang si JayR.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with