Sa Piling ng Kalapati (142)
“O ba’t natigilan ka Joshua?’’ Tanong ni Ruth habang nakatingin eye to eye kay Joshua. Kaya na niyang magpatingin sa lalaking nagpasaya sa kanya sa araw na ito. Hindi na siya naiilang at hindi na rin kinakabahan. Pawang magaganda ang nakikita niya ngayon.
“Shock nga ako Ruth. Puwedeng ulitin mo ang sinabi mo. Please.’’
“Yes nga ang sagot ko sa tinanong mo kanina. At para hindi ka na mahirapan sa katatanong, yes na talaga ang mga sagot ko sa iyo. I love you, Joshua.’’
Hindi napigilan ni Joshua ang sarili at naisiksik ang katawan kay Ruth sabay pisil sa palad nito.
‘‘I love you too, Ruth.’’
“Ngayon e di hindi ka magtatanong?’’
“Hindi na, nasagot mo na ako.’’
“Halika maglakad-lakad tayo sa park na iyon. Mga one hour puwede tapos ihatid na kita. Gusto ko makilala ang mommy mo.’’
“Talaga, ihahatid mo na ako hanggang unit namin?’’
“Oo. Ngayon pa ba hindi e sinagot mo na ako.’’
Tumayo si Ruth. Inalalayan ni Joshua sa pagtayo.
Naglakad sila habang magkahawak-kamay.
“Pinaligaya mo ako nang labis, Ruth.’’
“Ako man, maligayang-maligaya ako Joshua.’’
(Itutuloy)
- Latest