^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati (141)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ANG mga sumunod na ginawa ni Joshua ang lalo nang nagpa-shock kay Ruth.

Makaraang sabihin ni Joshua na mahal niya si Ruth, ginagap nito ang kanang palad niya at pinisil nang marahan. Nadama ni Ruth ang init ng palad ng lalaki. Nanulay ang init patungo sa kanyang puso na humantong sa kanyang utak. Sinabi ng kanyang utak na walang kapantay ang pagmamahal ni Joshua. Tapat ang binata sa kanyang mga sinabi at karapat-dapat itong pagkatiwalaan.

Hindi binawi ni Ruth ang palad na pinipisil-pisil ni Joshua. Bakit niya babawiin gayung the feeling is mutual. Kung ano ang nararamdaman ni Joshua para sa kanya, ganundin ang nararamdaman niya para rito. Hindi nga lamang niya maipahalata dahil nagpapakipot pa rin siya. Dalagang Pilipina pa rin siya sa modernong panahon.

Pero ngayon, gusto na rin niyang sabihin kay Joshua na mahal niya ito.

“Uulitin ko Ruth, mahal na mahal kita. At uulit-ulitin ko ito hangga’t hindi mo ako sinasagot. Kaya kung balak mo akong sagutin, gawin mo na.’’

Napahagalpak ng tawa si Ruth.

“Ang pagtawa bang ‘yan ay kasingkahulugan ng “yes”?’’

Ano pa ang kanyang isasagot?’’

“Oo Joshua!’’

Si Joshua naman ang na-shock!

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with