^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati(115)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HABANG nagtatampisaw sa dagat sina Keiko at Ruth ay nasa buhanginan lamang si Mommy Donna at pinagmamasdan ang dalawa. Parang tunay na magkapatid ang turingan ng dalawa. Magkasundung-magkasundo. Parehong mabait at magalang sa isa’t isa. Inaalalayan lagi ni Ruth si Keiko at madalas ay nakikita niyang kinukuwentuhan ito ng mga nangyari sa kanyang buhay. Ikinukuwento kung paano siya napulot at kung paano pinalaki at pinag-aral. Narinig pa niyang sabi ni Ruth kay Keiko, “Walang katulad si Mommy Donna. She is a perfect mother.”

Habang inaalala iyon ni Mommy Donna ay gusto niyang mapaiyak. Pero iyak na may kaga­lakan. Wala na nga siyang mahihiling pa sa nga­yon sapagkat ipinagkaloob na sa kanya ng Diyos ang mga hiniling niya. Hindi lang isang mabuting anak ang binigay sa kanya kundi dalawa. Talo pa niya ang tumama sa lotto sa pagkakaroon ng dalawang anak na babae.

NANG isang linggo na lang ang natitira sa bakasyon ni Keiko ay sinikap pang lalo ni Mommy Donna na mapalapit sa anak. Lahat nang klaseng paglilingkod ay ipinagkaloob dito.

Gusto niyang ipadama rito ang walang katulad na pagmamahal na hindi naibigay noong sanggol pa lamang ito. At alam ni Mommy Donna, damang-dama ni Keiko ang ginagawa niya.

“Huwag ka na lang kaya bumalik sa Canada, Keiko. Stay ka na lang dito.’’

“No. I’ll finished my studies and then ba-balik ako rito. Promise Mommy.’’

“How long ang studies mo?’’

“One year na lang po.’’

Niyakap ni Mommy Donna si Keiko. (Itutuloy)

vuukle comment

SA PILING NG KALAPATI(115)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with