Damo Sa Pilapil (41)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - April 12, 2017 - 12:00am

DATI ay maagang umaalis si Mam Dulce pero ilang araw nang hindi nakikita ni Zac. Nag-alala na siya. At nagkataong hindi pa naman pupunta nga­yon si Manang Cion dahil may importante itong pupuntahan.

Baka kailangan ni Mam Dulce ng tulong.

Nagpasya si Zac na puntahan na ito sa kuwarto. Kaysa mang­hula siya, mas ma­ganda kung makikita niya nang personal si Mam Dulce.

Kumatok siya sa pinto ng kuwarto ni Mam Dulce. Tatlong mahihinang katok.

May narinig siya mula sa loob: “Pasok! Bukas yan!’’

Pinihit ni Zac ang door knob. Itinulak ang pinto. Nakita niya si Mam Dulce na nakahiga sa kama.

“May sakit ka Mam?’’

“Masakit ang ulo ko, Zac. Parang binibiyak!’’

“Ano po ang iinumin mong gamot, Mam? Bibili po ako.’’

“May gamot ako, Zac. Ikuha mo na lang ako nang malamig na tubig diyan sa ref. Kapag bumabangon kasi ako at tutungo ay parang malalaglag ang ulo ko.’’

Agad kinuha ni Zac ang baso na nasa iba­baw ng maliit na ref. Kumuha siya ng tubig sa ref at nagsalin sa baso. Dinala kay Mam.

“Eto na po Mam.’’

“Salamat.’’

“Tutulungan po kitang maiupo nang dahan-dahan Mam para makainom ka nang ma­ayos.’’

Ginawa iyon ni Zac.

Inalalayan niya si Mam hanggang maiupo ito. Sumandal sa headboard ng kama.

“Salamat Zac. Ang sakit talaga ng ulo ka­pag umaatake ang mi­graine. Parang mala­laglag ang ulo ko. Tapos nanlalabo ang mga mata ko.’’

“Baka kailangang dal­hin ka sa doctor Mam.’’

“Hindi na. Mawa­wala rin ito. Iinom lang ako nang maraming malamig na tubig.’’

Uminom si Mam. Kalahati sa baso.

“Wala pa ba si Manang?’’

“Hindi raw po siya darating ngayon. Nag­sabi po siya kahapon. Hindi po ba nagsabi sa’yo?’’

“Ah oo. Nagsabi nga pala siya.’’

“Di bale Mam at narito naman ako.’’

“Papasok ka pa di ba?’’

“Hindi na ako papasok at aalagaan kita Mam.’’           

(Itutuloy)

MAM DULCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with