^

PSN Showbiz

Ice, may repeat ang videoke concert

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ice, may repeat ang videoke concert
Ice Seguerra

Dahil sa napakalaking demand at matunog na tagumpay ng kanyang unang dalawang-gabi na concert, may repeat ang Videoke Hits concert ng OPM singer na si Ice Seguerra  na nakatakdang magaganap sa Hunyo 1, same venue, Music Museum.

“You asked for it!” say ni Ice. “When it comes to videoke, one or two rounds just aren’t enough. Haha! For everyone who wanted more or missed out on tickets, here’s your chance to experience the ultimate videoke event of the year!”

Iba-iba ang naging emosyon sa naunang dalawang gabing concert ni Ice, noong May 10 and 11.

Mother’s Day celebration na rin ‘yun kaya talagang may part ng concert na umiiyak siya habang inaalala ang mga pinagdaanan nila ng kanyang ama.

At napatunayan ni Ice sa nasabing concert ang galing niyang humawak ng audience.

Wala talagang inantok sa nasabing concert.

Ang lakas ding maka-throwback ng kanyang mga kanta dahil nga sa mga kantang paborito sa karaoke.

Kaya naman super tilian ang audience habang parang nagko-concert na rin.

Kaya talagang parang lahat ng kanta, may last song syndrome.

“Dahil videoke kakantahin ko mga kanta na ‘di ko kinakanta sa harap ninyo. Pagpasensyahan n’yo ako. Ito first time ko gagawin sa harap n’yo. Kaya ano mangyari, palakpakan n’yo ko. ‘Pag hindi, I swear guys,” joked Ice.

Pero ang isang aliw portion doon ay nang magdamit babae siya.

Ang ganda niya sa true lang. At mukhang bata.

Kasama rin sa highlights ang “By Request” segment. Attendees were given the power to choose songs for Ice to perform live, with the selections revealed to him a mere 15 minutes before taking the stage. This interactive experience brought a thrilling unpredictability to the show, showcasing Ice’s versatility and spontaneity.

 The concert also featured a medley of hits from Kitchie Nadal, Backstreet Boys, and the Spice Girls, sa sari­ling style niya. Notably, his rendition of  Stop by the Spice Girls, where he channeled Baby Spice and delivered a show-stopping rap session with Super Bass, was a crowd favorite.

“Videoke Hits isn’t just a concert. It’s the ultimate fan experience. Join us on June 1 for a chance to sing along with Ice. Let’s make unforgettable memories together,” added Liza Diño-Seguerra, CEO of Fire and Ice Live na producer ng concert.

vuukle comment

ICE SEGUERRA

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with