^

PSN Showbiz

Piolo, naki-bonding sa fans para sa Sagrado

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Piolo, naki-bonding sa fans para sa Sagrado
Kapamilya Stars

Nagpaulan ng kasiyahan at sorpresa ang event ng ABS-CBN Studios na Bida Kapamilya presents: Dreamscape Karavan kung saan nagtipun-tipon noong Sabado (Mayo 25) ang ilan sa pinakamalaking bituin ng iba’t ibang paboritong Kapamilya teleserye.

Pasabog na performances ang handog ng cast members ng  What’s Wrong With Secretary Kim, High Street, at ang inaabangang seryeng Pamilya Sagrado para sa mga naghihiyawang fans sa Ayala Malls Cloverleaf sa Quezon City.

Pinangunahan ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual ang cast ng Pamilya Sagrado, kasama sina Grae Fernandez at Aiko Melendez, sa pagpapakilig sa kanilang song numbers. Hindi rin nagpahuli sa pagpapaindak sa sayawan at kantahan ang kanilang co-stars na sina Jeremiah Lisbo, Micaela Santos, Alyanna Angeles, Daniela Stranner, Apey Obera, Rocky Labayen, Luis Vera Perez, Beaver Magtalas, Isaiah Dela Cruz, Austin Cabatana, Valentino Jaafar, Miggs Cuaderno, Dustine Mayores, River Joseph, at Sean Tristan.

Umapaw din ang saya ng fans dahil sila ang unang nakapanood ng official trailer launch ng Pamilya Sagrado, na eere na sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5 simula Hunyo 17.

Nagpakitang-gilas din sa kani-kanilang performances ang stars ng High Street na sina Zaijian Jaranilla, Ralph De Leon, AC Bonifacio, Harvey Bautista, Gela Atayde, Tommy Alejandrino, Miggy Jimenez, Daniela Stranner, at Xyriel Manabat.

Espesyal din ang mga inihandog na mga kanta ng mga bida ng Viu original adaptation na What’s Wrong With Secretary Kim na sina Franco Laurel, Brian Sy, Kat Galang, at JC Alcantara.

Mag-uumpisa na ang Pamilya Sagrado sa Hunyo 17 at gabi-gabi namang napapanood ang High Street sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC. Napapanood naman ang  What’s Wrong With Secretary Kim kada Sabado ng 7:15 PM sa Kapamilya Channel at A2Z at ng 8 p.m. sa TV5.  (SALVE V. ASIS)

vuukle comment

ABS-CBN

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with