^

PSN Showbiz

Rob at Bianca, pinagtawanan ang nakaraan

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Rob at Bianca, pinagtawanan ang nakaraan
Rob Gomez at Bianca Manalo

Naintriga kami nang nakita namin sa teaser ng Magpakailanman na magkasama sina Rob Gomez at Bianca Manalo.

Ipinalabas ang episode nila nung Sabado at tamang-tama naman nung gabing ‘yun ay nakatsikahan namin si Rob sa Gala night ng Rotary Club of Aseana Manila.

Isa siya sa ginawaran ng parangal na Person of the Year sa entertainment, dahil taga-Quezon ang karamihang bumubuo nitong grupo.

Laking-Quezon kasi si Rob, doon siya lumaki sa kanyang tiyuhin na si Gary Estrada.

Nadamay si Bianca sa isyu noon nina Rob at Herlene Budol, pero sabi ni Rob, ang tagal na raw nu’n.

Pinagtawanan na lang daw nila ni Bianca ang naturang intriga, dahil hindi naman totoo.

“Wala naman ho. From the start of the morning till sa gabi… pagkatapos po, everything was okay. We had a good laugh about it. Masaya naman. Masayang experience,” pakli ni Rob.

Pinaputok ng dati niyang partner na ina ng kanyang anak ang isyu na nakuha raw sa kanyang cellphone.

Sinabi na rin sa amin ni Rob na hanggang ngayon ay hindi pa rin daw naibalik sa kanya ang kanyang cellphone.

Ayaw na lang daw niyang palakihin pa sana ang isyu ng dati niyang partner. Gusto na lang daw  niyang mag-move on sa isyung ‘yun.

Hindi raw siya sinasagot ng dating partner, dahil gusto lang daw sana niyang makita ang kanyang anak.

Noong Dec. 10, pagkatapos ng birthday ng kanyang anak niya huling nakita ito. “It’s been a tough tough… this is the hardest time of my life. Pero one thing I know, I have to prevail. I have to look like I’m okay. I have to be okay for me to be able to make the next step to whatever result I want which is to be with my daughter. Kailangan ayusin ko. Kailangan mag-motibo ako. Maging successful ako. Kailangan maganda pa rin ang tingin sa akin ng tao. Kailangan maayos pa rin ako sa buhay. Lahat pinaghirapan ko lahat,” saad ni Rob.

Alfred, ‘Di makapaniwalang nanalo  

Hindi nakalimutan ni Alfred Vargas na pasalamatan si Jaclyn Jose nang tanggapin niya ang Best Actor award na iginawad sa kanya ng FAMAS.

Naka-tie ni Alfred si Piolo Pascual sa kategoryang ito, na talagang ikinagulat daw niya.

Sabi ni Alfred kahapon, nang nakita raw niyang dumalo ang halos lahat na mga nominado sa Best Actor, hindi na raw siya umasang magwagi.

Pero nang sinabing nag-tie, parang nagkaroon daw siya ng pag-asa.

Naalala raw niya agad si Jaclyn, dahil talagang nag-guide raw sa kanya nung kinukunan nila ang ilang mabibigat na eksena.

“Habang nasa gilid kami, pinag-uusapan namin ang blocking… oo coaching ‘yun. ‘O ganun lang, huwag mo nang isipin ‘yun, basta gawin mo lang.

“Kaya nagpasalamat ako sa kanya,” pakli ni Alfred nang nakatsikahan ko sa telepono kahapon.

“Si Nora Aunor, parang nanalo na rin ng Best Actress for Pieta. Pero Hall of Fame na siya e. Binigyan siya ng Iconic award for Pieta,” dagdag niyang pahayag.

Star-studded ang FAMAS nung Linggo ng gabi na dinaluhan ng halos lahat na mga nominado.

Kaya present ang winners.

Halos kumpleto ang nasa grupo ng pelikulang Mallari na siyang nagwagi ng napakaraming awards.

Isa na rito si Piolo na ang kuwentong nakarating sa amin, medyo lasing na raw ito nang tinanggap ang award.

Sinabi pa nga ni Vilma Santos na “lasing ka na anak.”

Pero okay naman daw si Piolo at nung nasa backstage sila, ay masaya naman daw silang nagkuwentuhan, sabi sa amin ni Alfred.

Niyaya pa raw siyang gumawa sila ng pelikula.

Sobrang happy lang ni Papa P na big winner ang pelikula niyang Mallari.

vuukle comment

ACTRESS

BIANCA MANALO

ROB GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with