^

PSN Showbiz

Joshua Garcia, naalala kung paano naging ultimate boyfriend ng TikTok

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Joshua Garcia, naalala kung paano naging ultimate boyfriend ng TikTok
Joshua Garcia.
STAR/ File

Tulad ng maraming matagumpay na celebrity sa , sinimulan ni Joshua Garcia ang kanyang pagmamahal sa app noong panahon ng pandemya at nanalo sa puso ng milyun-milyong followers sa kanyang mga video na pampasaya lang.

Sa kalaunan ay naging isa siya sa mga unang pambansang TikTok na viral boyfriend ng milyun-milyong Pilipino at mabilis na naging isa sa mga pinaka-maimpluwensyang celebrity sa nasabing platform.

Ngayon, pinag-iisipan ni Joshua kung paano nakatulong sa kanya ang kanyang mga video, na karamihan ay dance cover na may feel good at cool na mga galaw, na umabot sa milyun-milyon at patuloy na nagdala ng kaligayahan sa kanyang followers na mula noon ay nakakuha na ng 8.2 million followers at 70.8 milyong likes.

“I didn’t expect na magiging ganun ‘yung reception. Gaya ng marami, I was just enjoying the app and using it during breaks or simple escapes throughout the day,” ani Joshua, na ngayon ay akmang nagba-banner ng kampanya ng TNT para sa TikTok Saya 50, ang pinaka-abot-kayang unlimited offer ng TikTok.

Available lang sa halagang P50, ang TikTok Saya 50 ay may unlimited na TikTok, 3 GB ng open access data para sa mga app at site, at Unli Text to All Networks na valid sa loob ng tatlong araw.

“Masayang-masaya ako that I get to be part of a campaign that spreads happiness and good vibes to Filipinos through the use of unlimited TikTok. As Pinoys, we find humor and saya in everything,” ani Joshua.

Asked what his TikTok feed usually shows him during quick breaks from his busy schedules, inamin niyang : “I usually watch funny vlogs at makukulit na skits - pampasaya at pampagaan talaga ng araw ang TikTok for me.”

Para ma-enjoy ang unlimited saya tulad ni Joshua, maaaring magpa-register ang mga subscriber sa TikTok Saya 50 sa pamamagitan ng pag-log in sa Smart App o sa pamamagitan ng pag-dial sa *123#.

Ang TNT users ay maaari ring mag-avail ng offer sa pinakamalapit na sari-sari store o sa pamamagitan ng kanilang mobile wallet.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with