^

PSN Showbiz

Actress, hitsurang nagluwal ng third baby

Pilipino Star Ngayon

Totoo kayang nanganak na naman ng isang actress?

Pang-third baby na diumano ito ng actress sa kanyang karelasyong actor.

Pero ‘yun nga, hindi naman sila umaaming may baby na sila tho ‘yun nga ang chika, bagong anak ulit ang actress.

Hindi pa natatagalan nang magkaroon ng movie comeback ang actress na ito.

Ba’t nga ba ayaw pa nilang aminin na meron na silang mga anak kung totoo naman?

Pero sabi ng ilang source, hitsurang nanganak daw talaga ang actress.

Well, karapatan nilang ilihim sa publiko ang kanilang personal na buhay.

Pauleen, ‘di pa nagtatagumpay sa pagpapapayat, four-month-old baby may endorsement agad

Hindi pa pwedeng i-reveal kung anong product, pero inamin ni Pauleen Luna Sotto na may iso-shoot silang endorsement ng youngest daughter nila ni Vic Sotto na si Mochi.

Sanay na nga kaagad sa big crowd si Mochi.

Marunong nang tumingin sa camera at laging naka-smile kahit nung nasa birthday celebration ito ni Nay Lolit Solis, manager ni Pauleen, for so many years now.

Ganundin nang mag-birthday si Bossing Vic sa Eat Bulaga, kasama ang baby nila.

Almost four-month old pa lang si Mochi, pero cuteness overload nga ito.

Anong product ‘yun? Nag-shoot na?

“Hindi pa eh, hindi pa kami nagso-shoot.”

Kelan lalabas? “Magso-shoot pa lang kami end of the month. Nagta-try kasi ako kung papayat pero hindi ako nagwawagi,” sabay tawa ni Pauleen nang makausap namin last week, sa birthday lunch ni Nay Lolit.

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with