^

PSN Showbiz

Coco, nililibre ni Diwata

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Coco, nililibre ni Diwata
Coco at Diwata
STAR/File

Gabi-gabi nang napapanood si Diwata sa FPJ’s Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin. Ang aktor at direktor umano ang nakaisip na bigyan ng papel ang kilalang pares vendor sa serye. “May maliit na eksena na may kakainan kami. Sabi ko try n’yo nga ipatawag si Diwata. Kapag pumunta ‘to, ibig sabihin para sa kanya ‘yung role. Eh nagke-creatives (meeting) ako no’n, bigla siyang duma­ting. Alam ko kasi busy siya eh. No’ng dumating siya, tinanong ko siya. Sabi ko, ‘Gusto mo bang mag-artista?’ ‘Kahit ano po,’ ‘yon ang sagot niya. May commitment ‘yan, kami nagte-taping ng M-W-F, kumbaga ‘yung dedication nandoon. Siyempre nakikita ko sobrang lakas ng negosyo niya, busy siya. Ang dami niyang nakakausap na tao,” panimulang kwento ni Coco sa ABS-CBN News.

Agad daw nakitaan ng potensyal ni Coco si Diwata noong unang beses pa lamang na kunan ang mga eksena nito. Unang sumikat si Diwata dahil sa pagbebenta ng pares na talaga namang dinudumog ng ating mga kababayan. At pinag-uusapan sa social media. “In fairness sa kanya sa first scenes kinakabahan. Pero ‘yung mga sumunod na eksena, nare-relax na nakikita ko na mayroon, may husay. Ang gusto ko sa kanya dahil galing din sa baba, naiintindihan niya ‘yung trabaho ng lahat. Hindi siya nagpapahintay, hindi siya sakit ng ulo. Nando’n lang siya sa isang tabi, tahimik. Tapos nililibre pa nga kami, binibiro namin,” nakangiting pagbabahagi ng bida ng serye.

Naramdaman din ni Coco ang pagiging mabuting tao ni Diwata. Masaya ang aktor at direktor dahil sa tinatamasang tagumpay ngayon ng pares vendor. “Ang bait niya. Nakakatuwa na ang sarap tulungan kasi nakikita mo ‘yung tao na gusto niyang i-improve ‘yung buhay niya, ‘yung sarili niya,” pagtatapos ni Coco.

Lovi, magbubuntis na next year

Magsisiyam na buwan nang kasal sina Lovi Poe at Monty Blencowe. Ngayon ay magkalayo ang mag-asawa dahil kasalukuyang nasa bansa ang aktres para sa shooting ng pelikulang Guilty Pleasure. “I love my job, I love working so much and my husband knows it. Sabi nya, hindi na niya ‘yon mababago for me. He knows I’ve been wor­king since I was 15 years old. Sabi niya, ‘It’s not something I want you to change.’ And I’m grateful for that,” bungad ni Lovi.

Aminado ang aktres na hindi mada­ling mawalay nang pansamantala sa kanyang mister. “It’s not the easiest way to do but I am happy where I’m at and I’m happy being home here in the Philippines. The truth is I have three different homes (Pilipinas, Amerika at United Kingdom) but the Philippines for me is still home. I may have projects abroad but iba pa rin siyempre dito. Iba ang pagkain, iba ‘yung mga kasama mong tao, ang sarap mag-Tagalog, ‘yung gano’ng mga simpleng bagay. Kaya I am just grateful that he’s there for me even if I am busy and we find time with each other,” makahulugang pahayag niya.

Samantala, nangangarap na rin si Lovi na magkaroon ng sariling pamilya sa mga susunod na taon. Kung sakaling mabibiyayaan ng anak ay sinisiguro ng aktres na magiging isang mabuting ina. “Sa lahat siguro ng roles na pwede kong i-play, pro­bably being a mother will be the most difficult and most challenging ever. I’m such a perfectionist when it comes to the characters that I play, what more pa in real life? Because one thing I would like to do perfectly is to be a good mother. When that time comes and if God blessed me with that opportunity, I just want to be a great mother,” nakangiting paglalahad ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

OCO MARTIN.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with