Vilma, tiyak na ang susunod na pelikula
Wow, parang malapit na ulit mapanood si Vilma Santos-Recto.
After nga ng successful comeback niya sa 2023 MMFF (Metro Manila Film Festival) entry na When I Met You In Tokyo na nagbigay sa kanya ng back-to-back best actress awards, ito nga at malaki ang possibility na magkaroon ng follow-up project ang star for all seasons.
Isa nga ito sa napag-usapan sa tsikahan via zoom ng officers and members ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) at Mentorque producer na Bryan Dy.
Galing si Bryan sa meeting nila ni Ate Vi kasama sina direk Antoinette Jadaone at Dan Villegas nung gabing naka-zoom meeting namin sila.
At makikita sa pinost ni Ate Vi pagkatapos ng kanilang meeting ang mga photos na proof na naging maganda ang kanilang pag-uusap ng gabing ‘yun.
“Enjoy our talk (red heart emojis and smiley),” aniya sa caption.
Dagdag naman ng Mentorque: “Insightful. Productive. Fun.
“Thank you Mam Vilma Santos Recto for sharing your valuable time, knowledge and wisdom!
“Thank you Dan Villegas, Antoinette Jadaone, Omar Sortijas, Warren Catarig, Ron Angeles, Rona Banaag and Catsi Marie kahit asa malayo ka hahaha.
“Mentorque X Project 8 Projects X Vilma Santos-Recto.”
Pang-filmfest ba ito?
Ayon kay Bryan walang pressure na ipang-filmfest ang next movie ni Ate Vi: “I want it to be a quality film for Ate Vi and we’re working with Dan Villegas.”
So far ang plano ng Mentorque, ay ang pelikulang Biringan ang isasali sa MMFF ng Mentorque.
Pero wala pa siyang ibang details na ibinigay tungkol sa Biringan.
Ang isang sigurado, kasing laki ito ng Mallari ni Piolo Pascual.
At isa lang ito sa apat na pelikula na nakalatag na gawin ng kanilang film company this year.
At hindi lang daw basta pelikula, massive.
Adbokasiya na nga raw nila na tulungan ang industriya upang lumakas ulit.
Kaya ang promise nila, ang kinita ng Mallari ay paiikutin nila sa mga may kalidad na pelikula.
“Nag-e-enjoy talaga kami. We’re very happy. I’m more… ayaw kong madaliin ang pelikula and kailangan namin it has to be good quality, lalo na siya (Vilma) na ang involved ‘di ba,” sabi pa niya.
Anyway, sinabi pa ni Bryan na hindi nila mamadaliin ang script ng movie ni Ate Vi.
Very particular daw kasi ito pero excited daw talaga si Ate Vi sa next movie nito dahil kina direk Dan at Tonette.
Samantala, overwhelmed si Bryan sa announcement ng SPEEd na ang Mentorque ang tatanggap ng special award na Rising Producer of the Year, na ibibigay sa ika-7 edisyon ng The EDDYS na gaganapin ngayong Hulyo. “I am overwhelmed and full of joy!”
- Latest