^

PSN Showbiz

Sarah, may mensahe sa mga sinasaktan!

Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sarah, may mensahe sa mga sinasaktan!
Sarah Lahbati
STAR/ File

May post ang aktres na si Sarah Lahbati ng isang quote card sa kanyang social media na naglalaman ng mensahe tungkol sa isang relasyon.

Pinapaalala sa post na ito na huwag nang babalik ang kahit sino kapag nasaktan na sila.

Isang litrato na may imahe ng isang bulaklak na naglalaman ng “To anyone who needs this reminder: Don’t go back. Not tomorrow, not next month, not in a year, not ever.

“Do not return to anyone who hurt you and made you have to heal from their mistreatment. They will only repeat the cycle again and again.

“Stay strong. Better days are coming” ang ipinost ng dating misis ni Richard Gutierrez.

Tungkol nga ba ito sa hiwalayan nila?

Walang sinasabing dahilan ang dating mag-asawa sa paghihiwalay nila.

Maaalalang kinumpirma ni Sarah ang hiwalayan nila ng mister noong March ngayong taon lamang matapos ang ispekulasyon ng mga tagahanga nila tungkol sa hiwalayan nila nang i-unfollow nila ang isa’t isa sa social media.

Bago nga ang kumpirmasyon ay nagkaroon ng mga akusasyon ang nanay ng aktor na si Annabelle Rama gaya ng pagtawag sa kanya ng Patron Saint of Waldas na tinawanan lang ng nanay nina Zion at Kai.

Samantala, sinabi naman ni Sarah na single na siya habang ang ex-hubby naman niya ay namamataang kasama ang aktres na si Barbie Imperial.

‘Melancholia’

Siguro ‘pag medyo matanda ka na ‘pag birthday mo meron kang mga melancholia.

Naiisip mo ang mga kasabayan mo na wala na ngayon. At naiisip mo ang mga bagay na nagaganap sa buhay mo na lalo mo pang binibigyan ng premium ngayon.

Ngayon kahit text lang senti ka na. Kaya siguro sabi nila ‘pag nag-mature ka na iba na ang tingin mo sa buhay.

Siguro nga ganun na ako ngayon.

Thankful for all the blessings. For the love of my friends. For all the good things happening in my life. My life. Thank you, Lord.

vuukle comment

SARAH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with