^

PSN Showbiz

Pops, 10 years nang walang ‘karanasan’

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Pops, 10 years nang walang �karanasan�
Pops Fernandez.
STAR/ File

Wow, isang dekada na palang walang lovelife si Pops Fernandez.

Pero hindi raw niya hinahanap.

Actually, natawa pa siya nang tanungin kung pwede na ba ulit siyang ma-in love.

O happy na siya sa pagiging single always?

“I will try. Hahahaha!”

May trauma ba siya sa ‘love’?

“At my age, ha! Not rushing!” panay pang tawa habang sumasagot na si Pops na sa totoo lang ay pwede naman talagang makahanap pa ng mas bata sa kanya.

Pero marami namang na-link sa kanya sa 10 years na ‘yun.

At sa tagal na wala siyang jowa, malungkot ba ang buhay?

“Hindi kasi ako sad, at hindi rin ako lonely. But if the right one comes along, why not?”

So sa tagal na ‘yun, hindi hinanap ng katawan niya, lalo na nung may pandemic?

“Hindi ko rin alam, pero mararamdaman ko na lang siguro.”

So tiis talaga ang kanyang ‘kaligayahan?’

“Pero, if you’re happy, and you’re not sad naman, kaya naman. At ang dami ko rin namang pinagkakaabalahan, pinagkakaaliwan.

“Nandiyan ang work, number one. Then, I enjoy visiting my boys. ‘Pag kasama ko sila, siyempre it’s a totally different Pops, kasi mas relax. Feel na feel ko pa rin na nanay-nanayan talaga ako.

“But in other words, ang prayer ko talaga, ‘pag siya na `yon, mararamdaman na lang naming pareho. Na may connect kami, na may chemistry,” paliwanag pa niya sa ilang kausap na press sa birthday dinner ng kasama sa panulat na si Jun Lalin.

Wala namang idea si Pops nang tanungin kung totoong split na si Vina Morales sa boyfriend nitong foreigner na ang akala ng lahat talaga ay sa kasal na rin ang katapusan.

vuukle comment

POPS FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with