^

PSN Showbiz

Heart at Anne, may ‘kumpetisyon’ noon

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Heart at Anne, may �kumpetisyon� noon
Anne Curtis at Heart Evangelista
STAR/ File

Ang bongga naman ng Kapuso star na si Heart Evangelista at It’s Showtime host na si Anne Curtis na nagkasama sa isang event ng Spanish luxury brand na Loewe.

Tuwang-tuwa ang fans nang makitang magkasama ang dalawang kinikilalang pinakamalalaki at pinakamagagandang icons sa Philippine fashion scene na dating iniintrigang may ‘kumpetisyon.’

Ipinost ng misis ni Sen. Chiz Escudero ang isang montage ng pag-attend niya sa event na may caption na “A water melon sugar high afternoon with @loewe.”

Pero ang nagsilbing highlight sa post niya ay nang makita ang interaction nila ng misis ni Erwan Heussaff.

Lutang na lutang ang pagiging dyosa ng dalawa at classic beauties nila na nagpakuha pa ng litrato na magkasama.

Sa tuwa ng netizens ay tila nabitin ang mga ito at humihirit ang mga ito ng iba pang ganap nila.

Hirit pa nga ng isang fan ay bakit hindi pagsamahin ang dalawa sa isang cover ng magazine na sinang-ayunan naman ng iba pa nilang tagahanga.

Ang fresh nga raw nila na siguradong makaka-relate ang mga batang ‘90s na nakasubaybay sa pagtanda nila na tila hindi naman nagkaka-edad ang hitsura na mga IT girls daw talaga.

Katanggap-tanggap daw talaga ang pagiging maarte nila.

Hindi naman ito ang unang beses na makita silang magkaasama pero laging kinasasabikan ng fans ang pagsasama ng dalawa.

Samantala iba’t ibang personalidad naman ang nakakasama ni Heart sa kada event at palagi siyang may sorpresa sa kanyang mga tagahanga.

Natural na natural nga raw ang pagiging sosyal ng global fashion icon kahit saan man siya rumampa.

Kaya naman laging nakabantay ang mga ito sa kanyang posts dahil sa kanyang mga pasabog.

vuukle comment

ANNE

HEART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with