Anne, gustung-gusto ang process ng gagawin nila ni Joshua
Formal nang nagkaroon ng press launching ang local adaptation ng Korean series na It’s Ok Not To Be Okay.
Bubuhayin nina Anne Curtis, Carlo Aquino and Joshua Garcia ang mga bida sa Korean series na magiging Pinoy ang approach.
Grabe ang epekto ng Korean series na ito sa mga sumubaybay dahil tinalakay nito ang mental issues.
Ang ang Korean star na sina Kim Soo-hyun, Moon Gang Tae, Seo Ye-ji, Go Moon Young at marami pang iba ang bumida rito.
Kilalang Korean drama fan si Anne at aniya gustung-gusto niya ito “how she goes to the process, pati ‘yung mga outburst niya, parang sabi ko, I can see myself.”
Isinalaysay sa kuwento ni Moon Kang Tae, isang community health worker sa isang psychiatric ward na walang oras para sa lovelife, at si Go Moon Young, isang matagumpay na author ng librong pambata na may anti-social attitude na walang alam sa pag-ibig.
Pagkatapos magkita, dahan-dahang naghihilom ang dalawa sa kanilang emotional wounds.
Ang tagal na ring walang drama series ni Anne kaya naman excited siya rito na ipalalabas sa Netflix.
- Latest