Alden, hindi nakatiis sa mga nagkakalat ng kalokohan
Hindi na nakatiis si Alden Richards, pumalag na siya sa fake news na kumakalat tungkol sa kanila ni Kathryn Bernardo.
Nag-viral recently ang diumano’y statement ni Alden sa ex-boyfriend ni Kathryn na si Daniel Padilla.
Pinagdiinan ni Alden na hindi siya nagsasabi ng panget na mga salita laban sa kahit kaninong tao.
“Kahit kailan po hindi po ako magko-comment ng kahit anong defamatory words to someone na hindi ko naman masyado nakakasama,” aniya sa 24 Oras.
“Wala naman akong karapatan na manghusga sa taong tinutukoy doon sa fake tweets na kumakalat.”
Kaya ang babala niya, mag-iingat at huwag basta-basta maniniwala sa mga maling balita at fake tweet.
“Ingat lang po tayo sa fake news dahil ang social media po ay pugad ng fake news, so not until ‘yung mga official accounts po ng mga artista ang nag-post ng tweets na kumakalat diumano, eh, ‘wag po natin agad paniwalaan at mag-fact check po muna tayo bago tayo mag-call out ng judgment,” dagdag niya.
Ang dami nga namang gullible sa earth ngayon.
As in parang hindi na nag-iisip man lang, paniwala agad at sini-share pa.
Anyway, isa si Alden sa mga artista na maka-Diyos.
Nagsisimba at may spiritual adviser na pari.
Meron kasing ibang mga artista ngayon na hindi na pumapasok sa simbahan, iba na ang paniniwala nila sa relihiyon kesa sa kinalakihan nila.
Pero si Alden, hindi nagbago sa pagiging maka-Diyos na ‘pag may event ay nagpapamisa muna bago ang lahat.
- Latest