Zeinab, humingi ng tawad sa laro ni Vice

Zeinab Harake.
STAR/ File

Humingi ng tawad si Zeinab Harake sa mga na-offend sa kanyang comment sa TikTok ni Vice Ganda.

Nag-post siya ng apology sa kanyang social media dahil sa kanyang komento sa TikTok ng It’s Showtime host.

Maaalalang gumawa ng TikTok video si Vice kung saan nag-viral ang ginawa niyang Piliin mo ang Pilipinas trend. Ito ay dahil sa pagsama niya sa mga intrigang kinahaharap ng bansa gaya ng jeepney phaseout at pati na rin ang kontrobersiya tungkol sa Chocolate Hills resort.

Napakomento kasi siya ng “Laroooo hahaha love you” na inulan ng pamba-bash sa content creator.

Tila hindi raw nito na-gets ang video na ginawa ni Vice at inakalang nagjo-joke lamang ang host.

Pero may mga nagtanggol din naman kay Zeinab at sinabing expression lamang niya ito.

Kaya naman agad din siyang humingi ng tawad sa netizens. Gusto lamang daw niyang ipakita ang paghanga sa galing ng karelasyon ni Ion Perez sa pagsama ng social commentary sa social media content nito.

Nag-usap na rin daw sila ni Vice nang personal at lagi raw siyang nakasuporta roon.

“Sa mga na offend ko sa comment ko kay Meme Vice, I am really sorry na amaze lang talaga ako ng sobra sa pagiging witty niya sa paggawa ng content dahil napasok niya ang social issues in which we all should be aware of. I really do love her and I will support her no matter what.

“Nagkausap na din kami ni Meme Vice about this. Let’s all support Meme Vice and let’s continue to use our platform for better purposes and to uplift one another and our country,” post ni Zeinab.

Burado na rin ang comment ni Zeinab pero ayaw pa rin siyang tantanan ng bashers.

Show comments