Mga estudyante ibinabandera ang tinig sa tawag...

Hannah Grace Espadol
STAR/File

MANILA, Philippines — Pangmalakasang bosesan ng mga estudyante ang napapakinggan sa pagbubukas ng panibagong edisyon ng Tawag ng Tanghalan na Tawag ng Tanghalan: School Showdown last week.

Sa ikawalong season ng TNT, dalawang mag-aaral mula sa iba’t ibang unibersidad o kolehiyo sa Luzon, Visayas, at Mindanao ang maghaharap para ibida ang kanilang ginintuang tinig at may tsansang maging susunod na grand winner ng longest-running singing competition ng bansa hatid ng It’s Showtime.

Sa una nitong episode, isang psychology student mula sa University of St. La Salle Bacolod na si Hannah Grace Espadol ang hinirang na daily winner matapos niya mapabilib ang hurados na sina Louie Ocampo, Erik Santos, at Zsa Zsa Padilla sa kanyang bersyon ng Amakabogera ni Maymay Entrata. Nakakuha siya ng 95% habang ang kalaban niyang si Kyshia Razon ng Mater Dei College ay nakakuha ng 93.3%.

Umani naman ng papuri mula sa netizens ang TNT:School Showdown pati ang mismong show dahil sa konsepto nitong binibigyang pansin ang mga talento ng mag-aaral pati na rin ang kanilang mga paaralan.

Show comments