^

PSN Showbiz

Angel, lutang ang peace sa aura

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Angel, lutang ang peace sa aura
Angel at Neil
STAR/File

MANILA, Philippines — May napanood kaming short video clip kay Angel Locsin na may kuha noong birthday niya at masasabing birthday celebration niya dahil binigyan siya ng cake ay may nagkantahan pa. Hindi mga celebrity ang nagbigay ng cake at hindi rin yata fans, mga non-showbiz friends sila nito.

May kuha rin si Angel na nagsu-swimming at may kuha pa na nakayakap sila sa asawang si Neil Arce habang nakasakay sa boat. Kuma­way pa siya sa camera na maganda pa rin talaga kahit nadagdagan ang timbang.

Pero, hindi naman sobra ang weight gain niya at mabilis mabawas kapag nag-workout siya. Ang kapansin-pansin, masaya at may peace sa aura ni Angel dahil siguro sa stress-free siya.

 

Fans ni KC, nakulangan sa sagot ng Fil-Swiss BF

Pinost ni Mike Wuthrich ang birthday greetings sa kanya ni KC Concepcion na “happy birthday swizzy. thank you for being the player one to my player two. I enjoy every adventure you take me to and i’m proud to see you overcome every challenge life throws at you. i so enjoy your smile when i see it so keep smiling!

“Despite the distance there’s a reason god made our paths cross... it’s exciting the good things he has in store for us and for you! enjoy today... HAPPY BIRTHDAY!!!  let’s celebrate you!!!”

Sagot ni Mike sa birthday greetings ni KC ay “Thank you” na siguradong may nakulangan, lalo na ‘yung nag-expect ng too sweet at too mushy reply ng rumored boyfriend niya.

Ang photo na ginamit ni KC at ang birthday message niya kay Mike ay parang may relasyon sila, kabaligtaran ito ng sinabi ng isang netizen na nag-date lang ang mga ito at hindi sila naging couple. Gusto lang daw pasayahin ni KC ang kanyang fans. Dagdag pa ng netizen na parang kilala si KC, na-friendzone raw ni KC si Mike.

Ang daming sinabi nang nagpakilalang friend ni KC gaya ng “She suffered with him. KC was emotionally and mentally drained & stressed by him.”  May comment pa ito para kay KC na “Hope you will find the someone who is genuine with pure intentions.”

Nang i-check ang Instagram account nang nagpakilalang friend ni KC, naka-set in private, kaya hindi siya makikilala.

May comment pa ito na in-stalk siya ni Mike, kaya lalong na-curious ang followers ni KC. Sino raw ba ang taong ito na parang maraming alam kay KC? Hindi pa dine-delete ni KC ang sunud-sunod na post nito na lalong nagpapa-curious sa fans at followers niya.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with