^

PSN Showbiz

Kristine, naghihintay ng sign kay Lord bago bumalik sa showbiz!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kristine, naghihintay ng sign kay Lord bago bumalik sa showbiz!
Kristine Hermosa.
STAR/ File

Pabiro ang sagot ni Kristine Hermosa na ‘sino ‘yun’ nang tanungin  kung anong masasabi niya sa statement ni Jericho Rosales na gusto niyang makatrabaho ang misis ni Oyo Sotto.

“I think… well depende talaga. Depende po sa project. Depende sa mga eksena. Basta depende. I need to see everything muna. Talagang i-filter ko muna lahat. Kung worth it naman ang gagawin namin hindi ‘yung masabi lang na may ginawa kami together,” paliwanag ni Kristine nang makausap namin nung mag-guest siya sa birthday presentation ng father-in-law niyang si Vic Sotto sa Eat Bulaga last Saturday.

Pero okay kay Oyo?

“Wala naman pong problema sa kanya. Very professional naman din kumbaga kung gusto ko, susuporta­han naman niya. Okay naman siya. The thing is ako ‘yung talagang.. Choice ko talaga na.. ayoko kasing gumagawa ng kung anu-ano lang. Kumbaga if gagawa ako, something that’s worth it naman. Worth my time, ‘yung effort ko tapos syempre iiwanan ko ‘yung mga anak ko, ‘yung ganun. Basta ‘yung magandang project. Iyong may katuturan.”

So drama ito?

“Hindi ko po alam kung ano man ito. Basta may katuturan. ‘Yung malalaman mo na, you feel na ah okay Lord gusto mong ipagawa sa akin ito. Kasi I would hear God naman eh. Alam ko naman ‘yung may go signal ni Lord, why not ‘di ba? Kung may go signal ni God. So ‘yun lang. Lagi naman ‘yung go signal lang ‘yung inaantay ko,” dagdag na paliwanag pa niya na emosyonal sa birthday ni Bossing Vic Sotto.

Buntis si Kristine at nakatakdang manganak sa September sa 6th child nila ni Oyo.

vuukle comment

KRISTINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with