^

PSN Showbiz

HLG 2, kasado na sa Canada

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Buhay na buhay ang KathDen fans sa X sa totoo lang!

Todo posts sila sa social media ng hosting ni Alden Richards sa Film Development Council of the Philippines’ Parangal ng Sining na ginanap sa Seda Hotel ng Vertis North nung Biyernes ng gabi.

Kasabay nito ay ipino-post din ang tagpo sa dalawang selebrasyon ni Kathryn Bernardo na dinaluhan ni Alden.

Kilig na kilig pa rin sila sa kanilang tambalan  sa pelikulang Hello, Love, Goodbye.

Ang galing ng ibang netizens na regular na listeners sa aming radio program sa DZRH, dahil ang dami nilang alam.

Sinabi nilang nag-ocular na raw ngayon ang team ng HLG sa Canada na kung saan isu-shoot ang sequel ng pelikulang ito.

Sa kuwento ng Hello, Love, Goodbye ay pumunta ng Canada ang karakter na ginagampanan ni Kathryn.

Susundan kaya siya roon ni Alden?

Kaya inaayos na raw ngayon ang wor­king permit, ang mga visa ng buong cast.

Nung nakaraang media conference ng game show at sitcom na Barangay Singko Panalo, hindi alam ni Joross Gamboa kung saan siya huhugot ng sagot nang diretsahan ko siyang tinanong kung paano ang regular taping niya kung kailangang umalis na niya ng Canada para sa HLG.

“Ano naman e. Lahat naman magagawan ng paraan. E… kung ipagkakaloob ng Diyos ay doon tayo,” sobrang safe na sagot ni Joross.

“Mapapag-usapan naman natin when we get there naman. Sa ngayon, depende… maaano naman sa barangay. Ayoko pa rin naman magsalita ng ano. Depende pa rin sa kanila.

“Wala po akong alam masyado. Mag-focus muna ako dito sa Barangay…” natatawa nang pahayag ni Joross.

Narinig na rin naming kasado na raw ito sa schedule ni Alden.

Sen. Bong, hindi pwedeng itapak ang paa

Inaasahang makakalabas na ngayong araw sa hospital si Sen. Bong Revilla pagkatapos ng operasyon ng kanyang Achilles tendon.

Sa ngayon ay sobrang maingat sila na ‘wag niyang maitapak ang kanyang kanyang paa.

Tatlong linggo itong naka-cast at hindi puwedeng itapak. Pagkatapos nu’n ay ang therapy ng tatlo hanggang limang buwan.

“It will take some time,” pakli niya.

“Pero hindi ito magiging hindrance para hindi makapagtrabaho. Tuloy ang trabaho ko, kahit nakaganito tayo. Even sa movie, ang work sa Senate.

“Pero palalakasin ko muna ‘yung Achilles heel, naputol siya e. Kaya medyo mahaba-haba ang recuperation,” dagdag niyang pahayag.

Kailangan lang daw niyang sundin ang lahat na payo ng doktor para mapabilis ang kanyang paggaling.

Gusto raw niyang ituloy ang pelikula niyang Birador: Alyas Pogi 4.

“Basta tuluy-tuloy. Basta kung kailan ako ready, i-shoot namin. Kung abot tayo sa festival o sa playdate na Nov. 30, dun tayo,” saad ni Sen. Bong nang dinalaw namin ito sa hospital.

“Nakakalungkot din ‘di ba. Kasi pinaghandaan ko e. Nagpaganda ka ng katawan, nagpakondisyon ka, workout talaga. Lahat ginagawa ko e. Even my work in the Senate, tinatapos ko lahat, ina-accomplish ko na before the campaign starts. ‘Yun ang nakakalungkot dun, pero importante buhay tayo ‘di ba?

“Parang sinabi siguro ng Diyos, o slow down ka lang muna, masyado kang mabilis,” napangiti niyang pahayag.

vuukle comment

CANADA

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with