^

PSN Showbiz

Boy Abunda magdedemanda sa fake news spreader, idinadawit sa cryptocurrency scam

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Boy Abunda magdedemanda sa fake news spreader, idinadawit sa cryptocurrency scam
Boy Abunda

Naging biktima rin pala si Boy Abunda ng fake news tungkol sa cryptocurrency at ginagamit ang pangalan niya para makapanloko ng tao.

Kumakalat ang fake article sa social media kung saan ginagamit siya pati ang kanyang programang Fast Talk with Boy Abunda para manloko ng mga tao at mag-invest sa cryptocurrency scam.

Ipinakita ni Boy sa programang Today’s Talk ang mga fake article na ginamit ang kanyang pangalan.

Isa roon ay sinabing diumano’y burado na ang interview ng TV host sa aktres na si Max Collins kung saan nagtalo sila on-air dahil hindi makapaniwala si Boy sa biglaang pag-asenso ng ex ni Pancho Magno dahil sa cryptocurrency.

Sa article ay pumayag daw si Boy na mag-invest sa cryptocurrency auto trading program o bitcoin dahil naniwala ito sa pag-engganyo ni Max.

Lumabas pa raw sa isang website ang article at ginamit pa ang interface ng isang dyaryo.

Kaya agad na nilinaw ni Boy na hindi iyon totoo at fake.  “This is a big lie,” sey nito.

Bukod pa roon ay kumakalat din ang fake news na pag-criticize niya sa beauty queen na si Michelle Dee na may lamang link na patungkol sa cryto website.

Marami pang kumakalat na fake interview niya pero lahat ng iyon ay fake raw.

Naalarma siya dahil marami pa ang puwedeng maloko at mabiktima.

Inaalam na raw ng legal team ng GMA ang mga legal option na pwedeng gawin laban sa fake website na iyon.

vuukle comment

BOY ABUNDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with