^

PSN Showbiz

Sen. Bong ooperahan, limang buwang mamamahinga!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sen. Bong ooperahan, limang buwang mamamahinga!
Sen. Bong Revilla

Inoperahan si Sen. Bong Revilla sa kanyang Achilles tendon kahapon ng hapon sa St. Luke’s Global.

Nag-alala ang fans ni Sen. Bong nang mag-Facebook live siya nung Martes ng gabi na nasa St. Luke’s Global. Ikinuwento niya ang nangyari sa shooting na kung saan naaksidente siya at natuluyan napunit sa kanyang Achilles tendon.

First shooting day pala ‘yun ng pelikula niyang Birador: Alyas Pogi 4 na kinunan sa Tagaytay. “Patapos na ‘yung eksena. ‘Yung first take niya, hahabulin niya ang sasakyan.

“Mabilis ‘yung takbo niya, naabutan nga niya ‘yung sasakyan. So, dapat hindi niya maabutan ‘yung sasakyan. So, they had to take it again. Nung take two na, doon sumakit na ‘yung paa niya. Hindi na niya matapak,” kuwento sa amin ni Cong. Lani Mercado-Revilla nang nakapanayam namin sa DZRH nung Miyerkules ng gabi.

Nagkaroon na pala ito ng diagnosis nung nakaraang taon, at pinayuhan na siyang operahan ito, pero pinili ni Sen. Bong ang therapy muna.

“So ang nangyari was therapy, nag-test. Pero eventually, he really needs that operation,” sabi pa ni Cong. Lani.

Kaya humihingi si Cong. Lani ng karagdagan pang dasal na maging successful ang operasyon at mapapabilis sana ang recovery.

Ang tantiya kasi diyan ay baka abutin daw ng tatlo hanggang limang buwan na therapy para sa recovery nito. “According to our doctor siyang hindi puwedeng itapak ang paa. Tapos lalagyan siya ng boot na parang apparatus na hindi niya puwedeng igalaw ‘yung paa niya muna.

“Hindi niya puwedeng itapak ang paa for the next two weeks. Pagkatapos nu’n dahan-dahan siyang… tatanggalin na ‘yung cast after the operation. Tapos diyan magsisimula ‘yung therapy niya.

“The therapy will continue from 3 and half to 5 months depende sa kanyang recovery. Kasi bawat tao iba-iba ang healing period e. So, dapat maging mabait siya, maging disiplinado siya sa pagsunod sa therapy na ‘yan, para mas mabilis ‘yung recovery niya,” saad pa ni Cong. Lani.

Ang inaalala ngayon ni Sen. Bong ay ang pelikulang sinimulan niya.

Kasado na ang schedule ng shooting, pati ang ibang artistang kalahok.

Pag-uusapan na raw ng production dahil matagal-tagal ang recuperation nito.

Sofia, ayaw nang pag-usapan si Jillian

Bukas, April 20, na isi-celebrate ni Sofia Pablo ang kanyang 18th birthday na gaganapin sa Raffles Hotel.

Personal na inasikaso ni Sofia ang kanyang debut, dahil kailangang masunod ang gusto niyang konsepto na Tropical Hawaiian.

Lahat ng detalye nito ay talagang siya ang pumili, siya ang nag-isip ng konsepto na gusto niya.

Ang 18 roses nga niya ay hindi roses kundi tropical flowers.

Ang first dance nga raw niya si Joey Abacan, at ang pang-17th niya ang kanyang ama, at siyempre ang pang-18th ay si Allen Ansay.

Sa 18 candles naman na girls, ilan sa mga kasali roon ay sina Ysabel Ortega, Carla Abellana, at iba pang kaibigan niya sa Prima Donnas.

Maingat sa pagsagot si Sofia pagdating sa Prima Donnas, dahil maiintriga na naman sila ni Jillian Ward. Ngumiti na lang nang pagkatamis-tamis si Sofia.

Matagal na palang hiwalay ang magulang ni Sofia, pero okay raw ang blended family nila dahil mabait naman sa kanya ang kanyang stepmother na asawa ngayon ng kanyang ama.

vuukle comment

ACTOR

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with