Kim, mas pinili ng ka-date ni Michelle

Kim Chiu
STAR/File

Bongga, may bagong nali-link kay Kim Chiu, ang kababayan niyang lawyer na si Atty. Oliver Moeller.

Akala ko ito na ang magiging katapat ni Michelle Dee nang mag-guest sila sa EXpecially segment ng It’s Showtime, pero hindi pala.

Ang chika nag-unfollow na nga raw si Michelle kay Oliver.

Ganun.

Sa totoo lang, ka-look­alike talaga ni Piolo Pascual si Oliver kaya parang mas gwapo pa siya sa ibang mga actor natin.

Pero ‘yun nga mukhang si Kim ang target niya.

Hahaha. Target talaga.

Sa isang interview ay sinabi nito na nagagandahan siya kay Kimmy pero itinangging nanliligaw siya: “I don’t think it’s fair that I speak about that without her permission. Sorry I hope you understand. Kim is pretty nice. And I’ve always thought Kim was a pretty person, also from Cebu so I guess you can say that,” he said.

Anyway, sinabi rin ng abogado na simula nang um-appear siya sa It’s Showtime ay napakara­ming opportunities dumating sa kanya at kasama na rito ang pintuan para sa showbiz na ikino-consider naman daw niya.

Well, goodluck to him.

Show comments