Gerald, bibida sa collab serye ng GMA at ABS!
Ang ganda ng bagong station ID ngayon ng Kapamilya channel na Forever Kapamilya.
Mga big star na lang talaga nila ang kasali mula sa mga malalakas nilang programa kagaya ng Batang Quiapo, It’s Showtime, Can’t Buy Me Love, Linlang, ASAP Natin ‘To, at iba pa.
Mukhang mapapanindigan nila itong “Forever Kapamilya” dahil namamayagpag pa rin ang ibang programa nila sa kahit sa ibang istasyon na ito napapanood.
Kagaya ng It’s Showtime, lalong lumalakas dahil consistent na itong mataas ang ratings at nangalahati na lang ang Eat Bulaga sa TV 5.
Pero in fairness naman sa Eat Bulaga, hindi naman sila nabawasan ng viewers. Hindi talaga umalis ang loyal viewers nila. Hindi na nga lang nadagdagan dahil sa It’s Showtime na nanood ang mga loyal televiewers ng GMA 7.
Kaya tingnan natin kung hanggang kailan tatagal ang It’s Showtime sa GMA 7, dahil mukhang totoo nga itong narinig naming 6 months lang ang pinirmahang kontrata. Mai-extend lang daw ito kung maganda ang resulta ng ratings.
Ganundin daw ang kontrata ng naturang noontime show sa GTV.
Pero hindi lang itong It’s Showtime ang naririnig naming Kapamilya shows ang mapapanood sa GMA 7.
Nandiyan ang Pinoy Big Brother o PBB, at meron daw nilulutong collaboration na isang teleserye na pagtatambalan nina Gerald Anderson at isang Kapuso actress?
Totoo kayang hinihingi raw ng Kapamilya channel ang third slot ng GMA Telebabad na dating timeslot ng Unbreak My Heart?
Natutuwa kaya rito ang mga taga-GMA Entertainment TV?
Marami na rin kasi silang naka-line up na drama series na maglulunsad sa mga bagong mukhang mina-manage ng Sparkle ng GMA Artist Center.
Kagaya ng Shining Inheritance na susubukan ang tambalan nina Kate Valdez at Michael Sager.
Lumalakas na rin ang tambalan nina Sofia Pablo at Allen Ansay, kaya magbibida sila uli sa sisimulang Prinsesa ng City Jail.
Tuluy-tuloy na rin ang taping ng Forever Young na pagbibidahan ng magaling na batang si Euween Mikael.
Tampok naman dito si Althea Ablan at ang Sparkle teen na si Princess Aliyah ka-loveteam si Bryce Eusebio.
Ang Starstuck winner naman si Shayne Sava ay may bagong katambal sa Mommy Dearest. Si Prince Carlos ito, ang dating basketball player ng St. Benilde na nakilala sa NCAA.
Huwag sana sila matabunan ng mga big stars ng Kapamilya channel na posibleng magkaka-show sa GMA 7.
Jodi, pinigilang makasama ang mga taga-Tabing Ilog
Inaasahan na ang pag-number one trending ng pelikulang A Journey na pinagbibidahan nina Paolo Contis, Kaye Abad, at Patrick Garcia.
Noong April 2 ng hapon ito nagsimulang mag-streaming sa Netflix worldwide at kinabukasan, nag-number 2 trending na dito sa Pilipinas.
Wala pang isang araw, kaagad na umakyat ito sa number one trending.
Kaya nagpapasalamat ang mga taga-Netflix sa magandang feedback sa pelikula at patuloy na pagtangkilik dito.
Malaking bagay ang ganda ng kuwento at galing ng mga artista.
Pawang papuri ang mga komento ng mga netizens na nakapanood nito.
Ang galing daw talaga ng mga artista ng Tabing-ilog, kaya inaasahan nilang masundan pa ito ng reunion movie ng sikat na teleserye.
Hindi lang sina Paolo, Kaye, at Patrick ang pinuri sa pelikulang ito, kundi pati si Jimmy Santos na gumanap na tatay ni Kaye.
Bumagay din kay Jimmy ang role at napatunayan niyang kaya niya ang drama.
May surprise participation dito si Desiree del Valle, na ang unang narinig namin ay pumayag na raw si Jodi Sta. Maria.
Totoo kayang may komontra, kaya hindi na tumuloy si Jodi?
Willing pa naman daw ang Mavx Productions na paliparin ang aktres sa Tasmania para lang sa isang eksena.
- Latest