^

PSN Showbiz

Maris, itinodo na ang kaartehan

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Maris, itinodo na ang kaartehan
Maris Racal.
STAR/ File

Magtatapos na sa May 10 ang Can’t Buy Me Love na pinagbibidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan. Sumikat din ang tambalan nina Maris Racal at Anthony Jennings dahil sa nakakikilig nilang mga eksena sa serye. Malaki umano ang pasasalamat ni Maris sa pamunuan ng Kapamilya network na nakaisip na pagtambalin sila ni Anthony sa kauna-unahang pagkakataon. “Thankful po talaga kami sa nakaisip na i-pair kami. Thankful ako doon nakilala ko si Anthony. Sobrang sarap katrabaho, sobrang sarap kaeksena. Finally, nakahanap din ako ng kaeksena na sobrang well-connected and alam namin kung saan namin gusto dalhin ‘yung eksena. We are just having fun kung saan namin dadalhin ‘yung eksena,” pagbabahagi ni Maris.

Kinakiligan ng mga manonood ang tambalan nina Snoop at Irene na mga karakter na ginampanan nina Anthony at Maris.

Isang dekada nang aktibo ang dalaga sa show business. Para kay Maris ay isang masayang karanasan ang kanyang mga nagawa sa magwawakas na serye. “For me bilang si Irene Tiu, unang-una noong in-offer itong role na ito sa akin, I was so happy kasi bagong role. Hindi ko pa ito nagagawa, maarte, kikay. Kaya sabi ko ibibigay ko lahat ng kaartehan ko sa character,” kwento ng aktres.

Mayroong mga natutunan si Maris habang nagtatrabo sa ‘Can’t Buy Me Love.’ Ayon sa dalaga ay malaki ang naitulong nito sa kanyang pagiging isang artista. “Natuwa ako sa results ng story and all. Doon ko na-realize na sa bawat eksena na binibigay sa inyo, ibigay mo talaga lahat ng best mo. Ibigay mo ‘yung 100% mo. Even more than that, kasi you’ll never know ano mangyayari because of that. I’m very happy sa lahat ng surprises na hatid ng show na ito para sa akin at sa aming lahat. Everything was so unexpected. But we are happy about the result,” paliwanag ng dalaga.

Gabby, handa nang ihatid sa altar si Andi

Taong 2020 nang mag-propose ng kasal si Philmar Alipayo kay Andi Eigenmann. Ngayon ay mayroon ng dalawang anak ang magkasintahan. Wala ng mga magulang si Andi kaya aakuin umano ng nakatatandang kapatid sa ama na si Gabby Eigenmann ang paghahatid sa aktres sa altar kung sakaling magpapakasal na sina Philmar at Andi. “Siyempre ‘di ba, ngayon engaged sila. One way or another, anytime soon they’re gonna get married. Who’s gonna walk her down the aisle? Ako ‘yon,” bungad ni Gabby.

Si Gabby ay anak ng yumaong aktor na si Mark Gil kay Irene Celebre. Ayon sa Kapuso actor ay maayos naman ang turingan ngayon ni Philmar at ama ng panganay na anak ni Andi na si Jake Ejercito.

Matatandaang todo ang suportang ipinakita ni Jake sa pamilya ni Andi nang mamatay ang inang si Jaclyn Jose kamakailan. “Okay sila, they both respect each other. Nakakatuwa nga and I’m very, very grateful of course sa family ni Jake who’s been supportive. These are good men who love my sister,” giit niya.

Masaya si Gabby dahil maraming nagmamahal at sumusuporta kay Andi. Para sa aktor ay mahalagang nakikita at nararamdaman niyang masaya ang nakababatang kapatid. “For sure, Jake still loves my sister, not as a partner but as the mother of their daughter Ellie. Okay lang din naman kay Andi. Ang main goal naman dito is whatever makes Andi happy, I will support,” makahulugang pahayag ng Kapuso actor.

(Reports from JCC)

vuukle comment

BELLE MARIANO

MARIS RACAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with