^

PSN Showbiz

Kaye, nahirapang mag-move on kay John Lloyd!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kaye, nahirapang mag-move on kay John Lloyd!
Boy Abunda at Kaye Abad

Maraming nilantad ang aktres na si Kaye Abad sa programa ni Boy Abunda na Fast Talk with Boy Abunda.

Isa sa mga nilinaw niya ay ang tungkol sa kumalat na video sa TikTok kung saan sinasabing meron siyang anim na bodyguard noong mag-grocery siya sa Cebu.

Hindi raw ito totoo at inaming kuripot siya. Simple lang daw ang pamumuhay ng pamilya ng mister na si Paul Jake. Hindi raw ito lavish life gaya ng iniisip ng iba.

Nang tanungin ng TV host na si Boy Abunda kung pinagbawalan ba siya ng mister sa showbiz ay hindi raw dahil wala siya ngayon kung iniwan niya ang showbiz nang tuluyan na kasalukuyang napapanood sa pelikula nila nina Paolo Contis at Patrick Garcia na A Journey.

John Lloyd Cruz

Tungkol naman sa kanyang mga ex ay maayos ang naging breakup niya sa mga ito bukod sa aktor na si John Lloyd Cruz. Inamin niyang nahirapan siyang mag-move on dahil magka-loveteam pa raw sila nang tapusin nila ang relasyon nila.

Lani, pinatunayan ang unconditional love

Birthday ngayon ni Lani Mercado, legal at very loving wife ni Sen. Bong Revilla.

Alam n’yo ba na talagang isang patunay sina Lani at Bong na dapat sa pagsasama ng mag-asawa talagang meron dapat ‘yung patience at unconditional love.

Ang daming lubak sa journey nilang dalawa pero hanggang ngayon, mga lolo at lola na sila ng maraming apo magkasama pa rin silang dalawa.

Patunay na basta talaga matibay ang tali ng pagsasama ninyo, mahirap itong putulin. Saludo ako kay Lani  dahil naging matibay siya, ipinaglaban niya ang kinalalagyan niya bilang legal at pinakasalan babae ni Bong.

At in fairness kay Bong, kung anuman ang mga nangyari sa journey niya sa buhay, ang lagi pa rin niyang dulo ay sa piling ni Lani.

Ito ang pagsasama na patunay na kahit ano pa ang mangyari, basta magtiwala ka, kayo pa rin dalawa. At may forever.

I love you, Lani Mercado, I salute you as a wife and mother. Happy Birthday, bongga.

vuukle comment

ACTOR

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with