Showtime host, na-trauma sa tangkang pagri-rape

Cianne Dominguez.
STAR/ File

Speaking of It’s Showtime, hindi pa gaanong matagal sa Showtime si Cianne Dominguez kaya marami ang nanghanap sa kanya nang isalaysay ng ama nitong si Johng Florendo na nagkaroon ng trauma ang kanyang anak dahil sa attempted rape ng isang bar dancer.

“Tonight, my family [was bothered by] what happened to my daughter Cianne Dominguez. She was [a victim of attempted rape] by this guy named Shervey S. Torno—a gay bay dancer and performer,” umpisa ni Ms. Johng Florendo sa kanyang Facebook page kalakip ang maraming photos ng suspect.

“Short story is, the suspect followed my daughter to her condo, forcibly preventing the door to be closed and held her waist, forcing to kiss her,” pagpapatuloy niya.

Nakalaban umano ang kanyang anak at nakunan ng video ang salarin.

Kasalukuyan na umanong nasa Quezon City Police District 1 ang gumawa ng kahalayan at sinampahan na diumano ng mga kaso.

“Please pray with us for my daughter as she is under trauma of the said incident,” Florendo appealed.

Sexy Babe contestant si Cianne bago siya naging host ng It’s Showtime.

Show comments