Robi, todo-todo ang kayod para sa gamot ng misis

Maiqui at Robi Domingo

Hindi na kailangang pumunta sa Singapore ang mag-asawang Robi and Maiqui Domingo para magpa-check up.

Tulad nung nauna nang sinabi ni Robi na tumatalab ang gamot sa kanyang misis.

“The meds are working para sa kanya, meds niya kailangan steroids. We don’t have to go to Singapore anymore that much. So masakit lang sa bulsa pero aanhin mo ‘yung pera kung para naman sa buhay niya ‘yon,” kuwento ni Robi kahapon pagkatapos ng finale presscon Can’t Buy Me Love na siya ang nag-host.

“And I’m so happy grabe ‘yung developments, grabe ‘yung ginagawa na medications para sa kanya,” dagdag pa ng magaling na host.

Pwede na siyang mag-work?

“She works from home right now so malaki ang pasasalamat ko rin sa business, dun sa office niya kasi pinapayagan siya to work that way hanggang maka-recover siya. And siya naman she really wants to go back to the office.”

Pero may pahabol siya : “I have to retract one statement na sinabi ko lang kanina na aanhin ang pera, syempre we’re privileged enough to get those meds pero ngayon sobrang kayod talaga ako kasi hindi rin biro ‘yung mga medications na para sa kanya. So laban, laban lang.”

 

Show comments