Sparkle, successful ang first-ever Canada tour!

Matapos ang successful first leg nila sa Calgary noong April 5, mga Global Pinoy naman sa Toronto ang sunod na pinasaya ng Sparkle’s best kasama ang resident Kapuso entertainer na si Boobay para sa last leg ng #Sparkle GoesToCanada.

Umaapaw na pagmamahal at suporta sa Sparkle’s best na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, Barbie Forteza at David Licauco, at Bianca Umali at Ruru Madrid ang ipinakita ng Global Pinoys matapos ang matagumpay na first-ever back-to-back Canada tour ng Sparkle GMA Artist Center nitong April 5 at 7.

Matapos ang successful first leg nila sa Calgary noong April 5, mga Global Pinoy naman sa Toronto ang sunod na pinasaya ng Sparkle’s best kasama ang resident Kapuso entertainer na si Boobay para sa last leg ng #Sparkle GoesToCanada.

Kitang-kita sa mga photo at video mula sa nasabing show kung gaano kainit ang naging pagtanggap kanila Julie Anne, Rayver, Barbie, David, Bianca, at Ruru.

At for sure, hindi nabigo ang supporters nila dahil siguradong all-out ang naging performance ng mga Kapuso star para sa lahat ng mga nanood sa kanila.

Show comments