Sharon, ‘di naramdaman sa birthday ni KC!

Sharon Cuneta, Juday at Pamilya
STAR/ File

Di raw nagparamdam si Sharon Cuneta sa birthday kahapon ng anak na si KC Concepcion.

Ito ang napansin ng ilang followers nila.

Gabi na nga naman kahapon ay wala pang post si Sharon na pagbati sa birthday ng anak nila ni Gabby Concepcion.

Ang huling post pa niya ay kasama ang family ni Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na may caption na “Magkakasama habangbuhay! Nagluto si sis daig pa restaurant! Sarili namin ang Judy Ann’s Kitchen ngayong gabi! Mga anak namin naglalaro sa taas.?”

Binigyan ng iba ng malisya ang nasabing post dahil buti pa raw si Juday pamilya si Sharon.

Lately ay panay ang post ni KC ng bonding with her siblings sa side ng kanyang amang aktor na kasalukuyang napapanood sa My Guardian Alien with Marian Rivera.

Show comments