Serena Dalrymple, pinag-usapan ang panganganak

Serena Dalrymple at Thomas Bredillet.
STAR/ File

Kahit deka-dekada nang wala sa showbiz si Serena Dalrymple, pinag-uusapan pa rin siya.

At ang latest news sa kanya, ang dating chilstar na nakikilala sa Bata Bata, Paano Ka Ginawa, ay nanganak na sa kanyang first baby sa mister na si Thomas Bredillet.

Paa lang naman ng baby ang ipinakita ni Serena sa kanyang post na kasama ang dalawa niyang alagang aso.

Ilang beses na ring nag-flex si Serena ng kanyang pagbubuntis.

Pero ang nakakatawa, ang tingin sa kanya ng ibang followers ay siya pa rin ang dating Serena sa mga pelikulang napapanood nila.

Bukod sa Bata, Bata Paano Ka Ginawa, ‘di rin makalimutan si Serena sa pelikulang Ang Tanging Ina at Ang Tanging Ina Mo (Last Na ‘To) at marami pang iba.

Sabagay, hindi nagbago ang mukha niya. May mga tao kasing nag-iiba ang hitsura ‘pag nagkaedad na.

Si Serena ay ganun pa rin kasi.

Show comments