Kontrobersya sa panalo ni Michelle, inuungkat

Michelle Dee

Ba’t kaya may kumakalat na intrigang ang panalo diumano ng Miss Universe Philippines (MUPH) Michelle Dee last year ay predetermined na raw bago pa man magsimula ang pageant o ang finals.

Grabe kung kailan patapos na ang kanyang reign.

At ito diumano ang nagdaragdag ng pressure sa financial crisis na kinakaharap ng Miss Universe PH.

Diumano’y nanggaling ang nasabing kuwento sa isang dating staff ni Michelle sa pageant, na humiling na manatiling anonymous.

Diumano bago ang announcement ng Best in Gown ay may instruction na si Michelle ang kokoronahan.

Ba’t kaya nabuhay ang kontrobersyang ito kung saan pa nadadawit ang pangalan ni Rep. Sam Verzosa?

Hmmm.

Baka kasi malapit na ulit magkaroon ng Miss Universe PH.

Show comments