Katrina, nagpasalamat sa pagdamay kay Jaclyn

Katrina Halili at Jaclyn Jose

Marami rin ang na-touch sa nilantad ni Katrina Halili tungkol sa naging usapan nila ni Jaclyn Jose nang mamatay ang karelasyon niya kamakailan na si Jeremy Guiab.

Mababasa sa usapan nila ang mensahe ng nanay ni Andi Eigenmann habang nagluluksa si Katrina sa pagpanaw ng boyfriend niya.

Nagyaya ang pumanaw na aktres para raw maibsan ang nararamdaman nito at patuloy siyang kinomfort at nagpaplano pa sila kasama ang iba pang mga kaibigan na makakatulong na makalimot kay Katrina pansamantala.

“Salamat Tita Jane,” caption ni Katrina sa kanyang post kung saan pinakita niya ang kanilang conversation.

Nabanggit din nito na dinalaw pa pala siya ng beteranang aktres two weeks ago para muli siyang i-comfort.

“salamat sa mahigpit na yakap, oras at pagmamahal,” caption nito sa kanyang previous post kung saan ibinahagi niya ang litrato nila.

Marami ang nalungkot at nadurog ang puso, ‘di lang mga kaibigan at katrabaho nito kundi pati fans.

Naramdaman nila kung gaano kabait si Jaclyn dahil lahat halos ay may kuwento ng kabaitan nito.

event ng milo, nagiging training ground

Milo’s Best time na naman. Ito ang mga panahon na sobra excitement ni MJ, apo-apohan ko na anak ni Mel, dahil marami siyang natutunan sa tutoring ng Milo pagdating sa sports lalo na sa basketball.

 Kaya naman nakakatuwa dahil alam mo na hindi lang isang energy drink ang produkto, kundi nakakatulong din sa mga kabataan sa kanilang paglaki. Kaya hindi kataka-taka na maging very popular sa mga kabataan ang Milo dahil na rin sa enhancement na kanilang ibinigay para lalo pa silang magustuhan ng buying public.

Show comments