^

PSN Showbiz

Jake, pasok na kina DonBelle

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Jake, pasok na kina DonBelle
Jake Ejercito

Nag-taping na si Jake Ejercito sa Can’t Buy Me Love.

Siya ang bagong pasok na character sa nasabing serye na kuwento nina Caroline (Belle Mariano) at Bingo (Donny Pangilinan) na ngayon ay most watched show sa iWantTFC. Nanatili rin ito bilang isa sa top shows sa Netflix at humahamig din ng lampas 200,000 views gabi-gabi.

Supposedly ay si Jake ang katambal ni Kim Chiu sa local version ng What’s Wrong With Secretary Kim pero mas bagay naman talaga sina Kim at Paulo Avelino.

Vice, nilantad ang scammer

‘Wag magpa-scam, post ni Vice Ganda.

May mga nakatanggap pala ng message na ginagamit ang pangalan niya at ang dialogue ay makikipag-collab para sa YouTube. Nagpapakilala raw itong Peach.

Pero isang klarong scam pala ‘yun.

“‘WAG MAGPAPA-SCAM. ‘Wag agad magpapaniwala sa mga ganitong messages! Walang “Peach” sa team namin.”

Aside from this, trending si Vice dahil ipatatapos nito ang pinagagawang bahay ng kanyang ‘angel’ sa Sorsogon.

More than 10 years na raw ito sa kanya kaya kunwari ay binisita niya ito sa Sorsogon dahil may hinahanap siya hair spray.

Kasama ang kanyang mga kaibigan, ay bumisita sila kina Jacque, na noon ay nagbabakasyon sa kanyang pamilya.

Nilibot nila ang bahay ng pamilya nito, na halos tatlong taon na raw itinatayo dahil unti-unti ang pagpapagawa ni Jacque - kumbaga parang section lang kapag may available na budget.

Naantala raw ang pagtatayo dahil sinusuportahan din nito ang pag-aaral ng kanyang mga kapatid at tinustusan ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya.

“Si Jacque kasi ang nakakaalam talaga ng napakaraming bagay tungkol sa buhay ko. ’Pag nandiyan si Jacque, I feel safe, may mag-aalaga sa akin,” sabi pa ng TV host comedian.

Awws. Bongga na rin.

Tho maliit na bagay lang ‘yun kay Vice na baka kapresyo lang ng isang Chanel bag niya, malaking bagay naman ‘yun sa kanyang kasama sa bahay.

vuukle comment

JAKE EJERCITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with