Kakaibang ugali ni Gloria Diaz, ibinuko ni Isabelle!
Bumisita ang mag-inang Gloria Diaz at Isabelle Daza sa programang Fast Talk With Boy Abunda at nagkaroon sila ng mabilis na chikahan.
Tuwang-tuwa ang mag-ina na muling makita ang host ng programa na si Boy Abunda.
Sa kanilang kuwentuhan, naibahagi ni Isabelle kung gaano niya pa rin hinahangaan ang work ethic ng kanyang ina.
Napag-usapan din nila ang beauty pageant days ni Gloria kung saan naalala niya ang isang nakakatawang pangyayari.
Ikinuwento niya kung paano niya iniwan ang Miss Universe 1969 trophy dahil mag-o-overweight na ang kanyang luggage kung dadalhin pa niya ito.
Kinumpirma naman ito ng daughter niya kung gaano nagtitipid ang nanay niya sa pagbayad ng excess baggage.
Sabi naman ni Gloria kahit daw hindi niya dinala ang trophy ay tinago niya raw ang korona pero kalaunan ay nakarating naman ito sa kanya nang ipadala ito sa kanya.
Marami pang ibinahagi si Isabelle na natutunan mula sa ina at kung gaano nito pinahahalagahan ang pag-iipon.
Isa pa sa naibahagi ng dating beauty queen ay ang favorite leading man niya pala ay ang pumanaw na aktor na si Ronaldo Valdez.
‘Prayers talaga ang best medicine’
Ngayon ako lalong naniwala sa doctors.
I cannot imagine myself na magkakaroon pa ng energy pagkatapos ng dalawang araw na parang sobrang hina ng pakiramdam ko. Alam ko na in bad shape ako dahil two days iyon na hindi ako nanood ng TV at talagang hinang-hina.
‘Kaloka talaga na akala ko hindi na ako makakabangon. Kaya talagang naka-wheelchair akong nagpa-check up for four hours na parang guinea pig na ang dami ng blood test at kung anu-anong nakatusok sa katawan, hah hah.
At presto, after ng checkup at dialysis, bongga, energetic na naman ako, pero nag-waiver na ayaw ko ng confinement dahil may panic attack ako ‘pag nasa hospital.
Talaga sigurong fully guarded ako ng guardian angel ko dahil para talagang miracle na lumakas ako after ng checkup at dialysis.
Hay naku, prayers talaga ang best medicine, plus doctors na binigyan ni Lord ng brains para makatulong sa mga may sakit.
Thank you, Lord.
- Latest