^

PSN Showbiz

Pasabog ni Annabelle kay santa maniac, inaabangan!

Pilipino Star Ngayon
Pasabog ni Annabelle kay santa maniac, inaabangan!
Annabelle Rama

Dami kaagad nag-share ng post ni tita Annabelle Rama kahapon na: “Napaka-init ng ulo ko ngayon oras na ito. Gusto kung manampal at manabunot ng tao nag mamalinis akala mo kung sinong santa maniac. Abangan nyo bukas ang kwento ko (ngayong araw ‘yun).”

Kanya-kanyang hula ang followers ni tita Annabelle.

Baka raw hindi sila makatulog sa kakabantay nito, sabi pa ng ilang followers niya na laging nakaabang sa mga pasabog sa social media.

Hahaha.

Anik kaya ‘yun?

Siyempre, kinokonek nila kay Sarah Lahbati.

Kakaloka.

At least bago naman. Nakakasawa na ‘yung mga intriga ngayon lalo na ‘yung kina Dominic Roque and Bea Alonzo.

Umay na kumbaga.

So gow tita Annabelle.

Carla, eight months nag-taping sa stolen…

Sa nalalapit na pagtatapos ng GMA Afternoon Prime series na  Stolen Life, napa-reminisce si Kapuso actress Carla Abellana sa naging journey ng kanilang serye.

 Inalala niya sa isang Instagram post kahapon (Feb. 26) ang “8 months of taping” at “3 months of airing” ng show.
Talaga namang very successful ang run nito at consistent ang high ratings.

Komento pa ng ilang netizens sa post ni Carla, “The cast really did their best, that’s why kuhang-kuha ang atensyon ng bawat manonood! Mami-miss namin ‘to! Lagi naming inaabangan! Pasabog ang kuwento hanggang dulo!”

Hanggang saan kaya aabot ang kasamaan ni Farrah (Beauty Gonzalez)? Magkakaroon pa ba ng happy ending sina Lucy (Carla) at Darius (Gabby Concepcion)?

 

vuukle comment

ACTRESS

ANNABELLE RAMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with